Takaw (90)
“PUPUNTA ka rito?”
“Di sa sabi mo, gusto mo diyan tayo magkita?”
“Hindi kasi ako makapaniwala.”
“Ngayong ako na ang nagsasabi, hindi ka naniniwala.”
“Nabigla ako sa pasya mo.”
“Ano gusto mo ba pumunta ako riyan o hindi?”
“Gusto.”
“Paano nga pagpunta?”
Sinabi ni Trevor.
“Sige hintayin mo ako.”
“Bye.”
Gustong maglulukso sa tuwa ni Trevor.
Dali-dali siyang naglinis ng kuwarto. Inalis ang mga kalat sa kama. Inayos ang mga maruru-ming damit sa platic basket. Ang mga magasin, diyaryo at libro sa ilalim ng kama ay isinalansang nang maayos. Pinunasan ang mesita pati na rin ang ibabaw ng TV. Inayos ang mga naka-frame na picture ng ama at ina na nakapatong sa maba-bang book rack.
Pagkatapos ay tinu-ngo ang banyo. Mabilis na binuhusan ng muriatic acid ang inidoro. Ang sahig ng banyo ay binuhusan din ng likidong panglinis. Iniwanan sandali at tinungo ang lababo. Hinugasan ang pinggan, kutsara at coffee mug. Pinunasan nang todo ang tiles ng lababo. Kakahiya kung makikitang nanggigitata.
Pagkatapos ay binalikan ang banyo. Binuhusan ang inidoro. Kumislap sa puti. Ilang buhos pa at nawalang tuluyan ang kalawang. Binuhusan ang sahig ng banyo. Malinis na.
Sumilip siya sa ibaba. Wala pa si Mam Mina.
Hindi siya mapakali.
Winalisan ni Trevor ang ilalim ng sopa. Gusto niya, walang makikitang dumi si Mam Mina. Pati ang likuran ng pinto ay winalisan din niya.
Makalipas ang may isang oras, dumating ang hinihintay niya. Naka-taxi. Mismong sa tapat ng apartment bumaba.
Tumakbo pababa si Trevor para salubungin si Mam Mina.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending