^

True Confessions

Takaw (86)

- Ronnie M. Halos -

“Sobrang hilig sa sex ng asawa ko, Trevor. Siya na yata yung lala­king makakita lamang na nakabakat ang panty sa palda ng babae ay inaalihan na ng kamanyakan. Marami sa mga tauhan niyang babae sa kanilang opisina ang nagalaw niya. Pumapayag naman ang mga babae. Guwapo kasi ang asawa ko at mahusay magsalita. Sa pagsasalita pa lamang ay mahahalina ka na. Kapag ang isang babae ay hindi niya nakuha sa matamis niyang pananalita, dadaanin niya sa regalo, bagsak ang babae. Makalipas lang ang ilang araw ay naikakama na niya.

‘‘Hindi lang mga ka­samahang babae ang natutuhog niya pati nga kaibigan ko, nadale rin niya. Iyon ang masakit na kahit matalik na kaibigan ay nakuha pa rin niyang biktimahin. Galit na galit ako nang matuklasan iyon. Kinumpronta ko ang aking kaibigan kung bakit siya pumayag na magpagalaw sa asawa kong manyakis, hindi raw niya alam kung paano nang­yari. Basta nalaman na lamang niya na may relasyon na sila. Pumapayag na siya sa gusto ng asawa ko. Umiyak ang kaibigan ko.

Wala na akong nagawa.

‘‘At alam mo ba pati maid namin, ginalaw din niya. Lahat nang naging maid namin, kahit na med-yo may edad na at may itsura, pinakikialaman. At yung mga maid naming pumapayag. Minsan, nahuli ko sa kuwarto ng maid isang madaling araw, nagtaka ako kung bakit ang tagal niyang bumalik sa kuwarto yun pala, sinumpong ng kamanyakan at pinasok ang aming katulong.

“Nang pagsabihan ko na bakit pati naman katulong ay pinakialaman niya, huwag ko raw siyang pakialaman. Pumapayag daw naman. Hindi naman daw niya pinipilit. Sabi pa, nagpapakita raw ng motibo sa kanya. Wala na akong nasabi at nagawa pa. Hanggang sa dumating sa punto na hindi na ako kumuha ng maid. Nasasalaula nang masyado ang aming pamamahay dahil sa ginagawa niya.

“Kahit mga bayarang babae ay wala rin siyang patawad. Pumipik-ap kahit saan kapag nakaramdam ng katakawan. Wala nang iniisip kundi ang pagnanasa. Basta kailangang maidaos ang nararamdaman.

“Dahil sa katakawan niya sa mga bayarang babae, nagka-STD. Hanggang pati ako nadamay. Hinahawan ako. Parang guguho na ang mundo sa nangyari. Pati akong nananahimik ay nadamay sa katakawan niya.

“Nang malaman ng aking doktor ang nangyari, pati siya nagulat. Hindi raw siya makapaniwala na ang tulad kong propesyunal, simple, tahimik, ay mayroon palang tinatagong sakit. Kasi’y hindi raw halata sa mukha ko. Ang nasa isip niya, maligaya ako sa buhay sa piling ng aking asawa. Hindi ako makapagsalita. Tumulo lang ang aking luha.

“Makaraan niya akong gamutin, pinayuhan niya ako na maki-paghiwalay na sa aking asawa. Huwag daw akong maging martir. Lumaban na raw akoÉ”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ASAWA

BABAE

DAHIL

HANGGANG

NANG

NIYA

PUMAPAYAG

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with