PAGDATING sa inuupa-hang kuwarto ay isina-lang ni Trevor ang biniling “bold” na pelikula. Hindi iyon ang unang pagkakataon na manonood siya ng “malaswang pelikula”. Noong nasa kolehiyo pa siya, nakapanood na siya. May isang pagkakataon na nanood sila sa bahay ng isang kaklase niya. Pero para sa kanya, dapat ay pribado lang ang panonood ng malaswa. Ayaw na niyang manood na may kasama.
Nagliwanag ang screen ng TV. Maya-maya, gumi-ling na. Sa una pa lang ay rumaratsada na agad ang maiinit na tagpo. Wala nang pasa-pasakalye pa. Banatan agad. Matitindi ang ungol ng babae. Mas nangingibabaw ang ungol at halinghing. Walang istorya ang pelikula. Talagang pawang pagtatalik lamang. Wala siyang makukuhang ideya sa pelikula. Hindi niya kailangan ang basta pagtatalik lang. Hindi naman pornographic ang gagawin niya.
Itinigil niya ang pinanonood at sinalangan ng iba. Pero ang isinalang niya ay ganoon din. Sa una pa lamang ay birada nang umaatikabo. Ang kaibahan lamang ay dalawang babae ang katalik ng lalaki. Pawang ungol din ang nangingibabaw. Nag-aagawan ang dalawang babae sa isang “talong”. Pero walang istorya. Nakakasawa rin ang pawang pagtatalik.
Itinigil din niya ang pelikula. Isinalang ang pangatlo. Pero wala ring makuhang kuwento roon. Ganundin ang ikaapat nang isalang niya. Nag-isip siya kung isasalang pa ang panglimang pelikula. Tinatamad na siya.
Pero sinubukan din niya. Nasimulan na rin lang ay tapusin na. Bakasakali ay matiyempuhan niya.
Gumiling ang pelikula. Isang babae (mga 50 anyos) ang nagbibihis sa isang kuwarto. Kahit may edad na ay maganda pa rin ang babae. Nagpapalit ito ng panty. Halatang may pagka-konserbatibo ang babae dahil tinatakpan ang maselang bahagi. Naisuot ang panty. Hinubad naman ang t-shirt. Wala palang bra. Nagpalit nang mas manipis na tshirt. Buma-kat ang mga suso.
Matapos iyon ay tinu-ngo ang kama at saka nahiga. Nakatingin lamang sa kisame. Maya-maya may narinig na katok sa pinto ang babae…
Nasa ganoon ang eksena at tangay na si Tre-vor nang biglang mag-ring ang phone… Kandarapa siya sa pagtakbo sa kinaroroonan ng phone. Hina-yaang gumigiling ang pe-likulang pinanonood…
(Itutuloy)