^

True Confessions

Takaw (52)

- Ronnie M. Halos -

MINSAN daw, pagkukuwento pa rin ni Lola Imang kay Trevor ay nagdaan si Dionisio sa kanilang bahay. Noon lamang daw nagdaan si Dionisio kahit na magkakalapit ang kanilang mga bahay.

Patungo raw sa bukid nito si Dionisio. Nakasukbit sa tagiliran ang itak. Yung itak na iyon ang hinahasa ni Dionisio noong magtungo siya roon.

“Wala namang sadya si Dionisio nang magdaan sa bahay ko. Basta nagdaan lamang. Parang malungkot na hindi ko mawari ang mukha. Inalok kong magkape. Huwag na raw at busog pa siya. Basta umupo lang siya diyan sa may salas at patingin-tingin sa paligid. Tinanong ko kung ano na ang lagay ng kanyang palay sa kaingin. Malapit na raw anihin. Mukha raw marami siyang aanihin ngayon. Baka raw makabenta siya nang malaki. Sabi ko ay bahaginan niya ako ng ilang sakong palay at mauubos na ang aking stock. Oo raw. Marami raw naman.

“Hanggang sa madako ang usapan namin kay Alex. Tinanong ko kung nag-aaral pa si Alex. Hindi na raw. Tinamad na raw. Hindi pa raw tinapos ang high school.

“Sabi ko naman ay bakit hindi niya katulungin sa pagtatrabaho sa kaingin at sa gulayan. Tamang-tama sa bukid ang laki ng katawan nito. Naku kasabi-sabi ba naman ay tamad si Alex. Hindi raw nito kakayanin ang gawain sa bukid.

“Sabi ko, kasi’y pinamihasa niya si Alex. Kung noon pa ay kanya nang minulat sa mga gawain e di sana ay may katulong siya. Hindi na nagsalita si Dionisio at nagpaalam na. Pupunta na raw siya sa kaingin. Napansin ko na malungkot si Dionisio. Baka naman may nararamdaman siya at pinipiliit lamang ang katawan na magtrabaho. Nakadama ako ng awa kay Dionisio.

“Lumipas pa ang ilang linggo. Minsan isang umaga ay nagtungo na naman ako kina Dionisio. Manghihiram na naman ako ng yadyaran. Gagawa ako atsarang papaya. Magandang yadyaran ng papaya ang gamit ni Dionisio.

“Nang dumating ako sa kanila e sa likod ako nagdaan --- doon sa may banyo. At nagulat ako dahil may takip na ang banyo. Nilalang kawayan ang nakatakip sa pinto. Mabuti naman at nilagyan na ni Dionisio ng takip ang pinto. Hindi makikita kapag may naliligo sa loob.

“Napansin ko na tila may tao sa loob ng banyo. May naririnig akong kaluskos. Tumawag ako kay Lolit. Pero walang sumasagot. Si Alex naman ang tinawag ko, wala pa ring sagot. Basta kaluskos ang naririnig ko sa loob…”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALEX

DIONISIO

LOLA IMANG

NAMAN

NAPANSIN

RAW

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with