Takaw (32)

“NAG-IISA ka ba talaga rito, Trevor?” tanong ni Dick habang kumukuha ng yelo sa ref si Trevor. Na­­­kapatong sa maliit na    mesa ang imported na alak.

“Oo.”

“Wala ka pang asawa?”

“Wala pa. Matagal pa siguro yun. Kailangan ma­rami na akong ipon bago mag-asawa.”

“Ano bang trabaho mo Trevor?”

“Writer. Kuwento ang mga sinusulat ko ngayon.”

“Talaga. Writer ka pala. Anong mga kuwento ang sinusulat mo Pareng Trevor?”

“Tungkol sa mga relasyon ng lalaki at babae.”

“Ang lalim naman, di ko ma-gets. Parang love story ganun?”

“Oo.”

Nagsalin ng alak si Tre-vor. Mababang kalahati sa krisral na baso.

“Nagsusulat ka ba ng mga bold, Pareng Trevor?”

“Ah hindi. Mga kuwento na may kuwenta ang ginagawa ko, Dick.”

“Kakatuwa ka naman. Kuwento na may kuwenta.”

“Uso kasi ang mga ma­lalaswang kuwento nga-yon lalo na sa mga tabloid newspaper. Yung biyakan nang biyakan. Halatang yun ang pang-akit nila sa mga readers.”

“Oo nga, Pareng Trevor. May nabasa ako sa isang tabloid, ang laswa talaga. Yun bang kapag nabasa e papasukin ng demonyo ang utak at baka magha-        nap nang mare-reyp.”

“Sobra na nga ngayon ang mga lumalabas sa mga tabloid. Pornographic na ano?”

“Oo.”

“O tagay na, Dick. Ma­bubusog tayo sa pagku-kuwentuhan niyan. Toast tayo. Para sa pagkakaibigan natin.”

Nagtoast sila at sabay tumungga. Sabay din nilang ibinaba ang baso.

“Teka at kukuha ako ng mapupulutan natin. Meron akong corned beef diyan. Okey na yun ano?”

“Oo Pareng Trevor. Kahit ano, puwede ako.”

Tumayo si Trevor at kumuha ng corned beef. Bi-nuksan at inilagay sa pinggan. Dinala kay Dick.

“Maanggo lang itong corned beef na gawa sa Brazil di katulad ng corned beef dito ano, Dick.”

“Oo, Pareng Trevor. Yun ngang ipinakain sa akin ni Ella e maanggo. Galing daw Saudi yun. Masarap talaga ang corned beef dito.”

Nakakita ng pagkaka-taon si Trevor nang banggi-    tin ni Dick si Ella. Sinamantala na niya.

“Mukhang mabait ang pinsan mong si Ella, ano Dick?”

“Mabait talaga, Pareng Trevor.”

“Pinsang buo mo ba siya, Dick.”

Tila nag-isip pa si Dick bago sumagot.

“Oo.”

Nagsalin uli si Trevor sa baso. Nagtoast uli sila.

Maya-maya pa ay nangi­nginit na ang punong tay­nga ni Trevor. Si Dick naman ay namumula na ang pisngi. Kumakagat na ang alak.

Naging matabil na si Dick.

“Pareng Trevor, sa atin-atin na lang ito ha. Hindi ko pinsan si Ella…”

Napatda si Trevor. Sinasabi na nga ba niya. Tama ang kutob niya.

“Siyota ko siya.”

Napatangu-tango si Trevor.

“Yung mister niya ay nasa Saudi. Ginagawa ko nang sugar mommy              si Ella…” (Itutuloy)

Show comments