Ganti (53)

DAHIL nawalan na naman ng dalawang tindera, grabeng naghigpit ang malupit na mag-asawa sa mga natitira pang katulong. Bantay sarado na. Nagmungkahi ang babaing amo na lalaki na lang ang kuning katulong sa tindahan pero mabilis na tumutol ang lalaki.

“Baka nakawan tayo pag lalaki ang kinuha. Mabut kung babae dahil takot. Madaling nerbyusin.”

“E bakit ka natakasan, tanga!”

“Natutulog ako nang makatakas ang dalawa. Sinira nga ang pinto.”

“Tanga ka nga.”

“Kailangan kumuha tayo ng bagong tindera. Yung katatapos lang ng high school para madaling takutin.”

“Magpaparecruit uli ako.”

“Oo. Mga apat na babae.”

“Ikaw tarantado ka, huwag mong pakikialaman ang tindera ha. Akala mo nalimutan ko ang nangyari sa inyo ng katulong natin noon na si Lorena. Sa banyo mo pa siya ginalaw.”

“Tinukso ako nun ano ka ba?”

“Tinukso o pinilit mo?”

“Paano ko pipilitin e hindi na nga sumasaludo ang sundalo.”

“Tarantado! Malay ko kung umaarte ka lang.”

“Hindi bakit ako aarte? Talagang ayaw nang su-maludo ito.”

“O sige, sige, kukuha na tayo ng tindera. Marami na namang kustomer sa tindahan.

“Tawagan mo na ang recruiter ngayon at sabihin na kumuha agad.”

Umalis na ang babae. Pabagsak ang mga paa nang maglakad. Hindi na gaanong makahakbang dahil sa katabaan.

Napangiti naman ang la-laki nang makalayo na ang asawa. Napaniwala niya na hindi na nga pinakikinaba-ngan ang “alaga” niya. Pero ang totoo, mas sumigla pa nga dahil mga sariwa ang natitikman niya. Naisip ng lalaki ang unang natikmang birhen na walang iba kundi si Lorena. Nasaan na kaya ang babaing iyon? Tanong ng lalaki sa sarili. Hindi niya malimutan ang ginawa kay Lorena. Sa bandang huli, napangiti na lang ang lalaki. Mga ilang araw lang at meron na naman siyang paglalaruan. Mga sariwang manika na wala pang nakakasaling. He-he-he!

(Itutuloy)

Show comments