Ganti (51)

SINUBUKAN ni Lorena na itulak ang pinto. May kaunting sumasabit pa. Itinodo ang tulak. Bumukas. Tagumpay sila. Isinara muli ni Lo­rena. Saka sinabihan sina Ara at Pau na mag­handa na. Wag nang magbitbit ng kung anu-ano. Solong katawan na lang para mabilis   na makababa.

Sumunod ang da-lawa. Inalalayan ni Ara si Pau.

Nakalabas ang da­­lawa sa kuwarto. Sumunod si Lorena. Ma­rahang ibinalik ang natungkab na kinakabitan ng padlock. Iniayos na animo’y hindi natung-kab. Aakalaing walang nakatakas sa itsura ng padlock.

Nagmamadaling bu­maba sa hagdan si Lo- rena at hinabol ang dala­wa. Madilim na ma­dilim sa labas pero sa umpisa lamang iyon. Ma­sasanay din ang mga mata nila. Naabutan  niya sina Ara at Pau. Alalay   pa rin ni Ara si Pau na mahina pa rin ang katawan.

“Saan po tayo pupunta Mam?”

“Sa may gawing Rec-to. Dito sa kanang eski­nita. Huwag sa main road at baka madali tayong makita kapag hinabol ng manyakis.”

Tinuwid nila ang es­kinita. Hanggang sa ma­kakita sila nang mara-ming nagdadaang sasakyan. Iyon na ang Recto Avenue.

Pinara ni Lorena ang isang dilaw na taksing walang laman. Tumigil at sumakay sila.

“Saan po tayo, Mam?” tanong ng drayber na magalang.

“Sa terminal sa Buendia. Doon mo kami ida­an sa walang trapik ha. Dadagdagan ko ang bayad,” sabi ni Rowena na umupo sa unahan, sa tabi ng driver.

“Kahit na hindi mo dagdagan Mam. Dadalhin ko kayo roon ng ligtas.”

“Salamat. Sana ka­­­tulad mo ang lahat ng taxi driver.” Napangiti ang driver na siguro ay mga 40-taong gulang. Tiningnan ni Lorena                 ang kanyang relo, mag-a-alas-diyes na pala ng gabi.

Samantala, nang mga sandaling iyon ay lumabas ng kanyang kuwarto ang malupit na among Intsik. Hawak nito ang susi ng kuwar­to. Nakangi­ti pa ang amo. May ini­imadyin na sa mga mangyayari. May bago na naman siyang bi-biktimahin— si Ara. Katulad ni Pau, kasariwaan pa rin ni Ara.

Sinusian niya ang kandado ng kuwarto. Klik!  (Itutuloy)

Show comments