May hiyas pa sa liblib (68)
SIGURO’Y nakonsensiya si Ganda kaya eto at siya na ang nagkusang nagtungo sa kubo ni Fred the Great, ha-ha-ha! Aayaw-ayaw pa pero gusto rin pala. Tataray-taray pero eto at nakangiting papalapit sa kanyang kubo. At ang suot niya, manipis na daster. Totoo ba ang kanyang nakikita? Walang suot na panloob si Ganda. Naaaninag ang katawan dahil sa manipis na suot. Anong nakain ng babaing ito at tila nagwawala —nagiging wild!
Relaks lang si Fred the Great sa pagkakaupo. Haha-yaan niyang si Ganda ang magbukas ng anumang gusto niya. Siya ang nagkusang lumapit kaya siya ang mag-umpisa. Kung ano ang gustong mangyari ni Ganda, gawin niya.
Nasa harapan na niya si Ganda. Walang sinasabi. Nakangiti lang. Napakaganda ni Ganda. Tunay na tunay ang ganda. Walang make-up. Hindi peke ang kilay. Mapuputi ang mga ngipin. Hanggang balikat ang buhok na kapag umiihip ang hangin ay tinatangay. Sino ang mag-aakalang sa liblib na ito ay may isang babaing ubod ng ganda at wala pang kapingas-pingas. Sigurado si Fred the Great na wala pang nakagagalaw kay Ganda. Mula pagkabata ay narito na sa liblib si Ganda. Malayo siya sa lugar ng kasalanan.
Oopps! Ano itong ginagawa ni Ganda! Hinuhubad ang daster. Ano ba itong ginagawa ng babaing ito? Palaban na.
Pero ibinitin. Dinampot ang baso na may alak na nasa harapan ni Fred the Great at saka tinungga ang laman. Tama lang ang laman ng baso para sa isang lagukan.
Nang maibaba ang baso ay ipinagpatuloy ang paghuhubad, Naibaba ang daster. Hanggang dibdib. Hindi agad inilantad ang dibdib. Inunti-unti si Fred Tinakaw. Kapiraso muna ang ipinakita. Takaw na takaw si Fred. Hanggang sa ilantad na. Wow! Buung-buo! Walang pingas. Sariwa. Rosas ang nasa tuktok ng bundok.
Kumilos si Fred para ma-hawakan ang rosas na tuktok. Pero bahagyang umagwat si Ganda. Nagpapatakaw. Napa-ngisi si Fred. Aayaw-ayaw pa.
Ang sumunod ang lalong matindi. Binitiwan na ang daster. Nahulog sa paanan. Nalantad ang tinatago. Perpekto ang ukit ng baywang. Walang umbok sa puson. Makinis na makinis. At ang dakong iyon, tamang-tama ang kalaguan ng gubat.
Hindi na mapapalampas ni Fred the Great. Tinangkang abutin ang gubat. Pero nakaatras si Ganda. Nagtawa. Pilyang tawa. Akmang tatakbo. Magpapahabol siya kay Fred the Great.
Hinabol nga ni Fred the Great. Pero nakakailang hakbang pa lang ay nadapa na siya. Doon sa damuhan sa ilalim ng punong mangga. Hindi na siya nakabangon.
Doon na natulog si Fred the Great. Mahina na siya dahil sa sobrang kalasingan.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending