^

True Confessions

May hyas pa sa liblib (26)

- Ronnie M. Halos -

NAKASUOT ng puti na t-shirt ang babae pero hindi makita ni Fred kung shorts o panty lang ang pang-ibaba. Nakalubog nang hanggang baywang sa tubig ang babae kaya hindi niya makita.

Kinabahan si Fred pero naroon din naman ang pananabik. Matagal-tagal na rin namang wala siyang nakikitang babae mula nang lumipat dito sa Luningning. Kung meron man siyang nakikitang babae iyon ay ang mga dumadaan lamang sa may dakong ibaba ng kanyang lupa. Karamihan sa mga nakikita niyang babae ay mga nagpapaupa sa paggagamas o di kaya’y sa pagbunot ng punla.

Ang nakikita niyang babae sa sapa ay maputi, ma­kinis, katamtaman ang pangangatawan, hanggang balikat ang maitim na mitim na buhok at maliit na baywang. Siguro’y mahigit na 20 taong gulang lamang ang babae. Ang isang nakakatawag ng pansin sa babae ay ang malulusog na suso na tila lalo pang umalsa nang bumakat sa basang t-shirt. Ahhh, ano ba itong naramdaman ni                Fred? Tila nauhaw siyang bigla.

Matagal ding pinag-isipan ni Fred kung patuloy na maninilip sa babae o hahaya­an na lang niya. Naiisip kasi niyang baka may kasama ang babaing naliligo at mahuli siya. Malay ba niya kung may asawa ang babae na nagbabantay sa pampang ng sapa. Hindi naman niya makita kung may ibang tao sa kabilang pampang sapagkat natatakpan ng mga kahoy at mga damo.

Pero nanaig kay Fred ang pagkasabik sa anak ni Eba. Bata pa rin naman kasi siya at malakas pa ang sipa ng dugo. Kayang-kaya pa niyang magpaligaya ng babae.

Humanap siya nang magandang puwesto at ipinagpatuloy ang paninilip sa babaing noon ay abala na sa pagsasabon ng katawan. Sinabon ang mga braso, hita, binti at saka ang mukha patungo sa leeg. Pagkatapos ay ang loob ng t-shirt ang sinabon. Umalog ang mga suso nang sabunin. Ilang ulit ang ginawang pagsasabon sa kambal-suso. Pagkatapos ay isinunod na ang nasa ibaba. Sinabon nang sinabon ng babae ang nakatagong bahagi. Hindi pa rin makita ni Fred kung naka-shorts o naka-panty ang babae. Nakalubog pa ang babae ng hanggang baywang. Ha­bang ginaga-wa iyon ng babae ay tila sinisilaban si Fred.

Hanggang sa umahon na ang babae sa pampang. Tapos nang maligo. At nalaman ni Fred na naka-panty lang pala ang babae.

Ang mga sumunod ang hindi inaaasahan ni Fred. Hinubad ng babae ang suot. Hanggang sa malantad ang mala-diyosang kagandahan. Ano ba itong napasukan niyang sitwasyon?

(Itutuloy)

vuukle comment

BABAE

FRED

HANGGANG

MATAGAL

NAKALUBOG

NANG

SINABON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with