^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (74)

- Ronnie M. Halos -

DINAMA ko ang kinis ng katawan ni Jesusa. Alalay ang pagdama.

Ayaw kong biglain. Alam ko ang sakit na nadama niya noon kaya kailangang maging maingat. Banayad na banayad lamang ang lahat. Hanggang sa maganap ang pagsasanib ng aming mga katawan. Hindi ko malilimutan ang pangyaya-ring iyon na sobrang ligaya ang aking naramdaman. Iyon ang pinakamasayang pangyayari sa aking buhay. Naibuhos kong lahat ang lakas at masarap sa pakiramdam. Lalo kong minahal si Jesusa makaraan ang aming pagsasanib. Sa akin na nga at walang duda ang aking kapitbahay. Wala nang sinuman ang makaaagaw sa akin kahit pa si Rebo.

Nakangiti si Jesusa matapos ang aming ritwal. Tulad ko, maligayang-maligaya rin siya. Hindi maitatago sapagkat pati ang kislap sa kanyang mga mata ay nagpapakita ng walang hanggang pag-asa.

“Akala ko Per, wala nang katapusan ang pasanin ko.”

“May katapusan ang lahat, Jesusa.”

“Kasi nga, noon ay wala akong mapaghingahan ng problema. Solo ko lahat ang pag-iisip…”

“Bakit kasi hindi mo agad ako sinugod sa bahay para nagkakilala tayo.”

“E wala pa namang sa-nga ng mangga na nahuhulog sa bakuran ko, paano kita susugurin.”

“Malaki ang pasasalamat ko sa punong mangga. Kung hindi dahil sa punong mangga e hindi kita makikilala. Baka hanggang ngayom e nag-iisa pa ako sa kama at walang maromansa.”

“Ay ang bastos ng mama.”

“Natutuwa lang ako Jesusa sa nangyari sa atin.”

“Bukas anong oras tayo luluwas sa Maynila?”

“Agahan natin para hindi tayo matrapik.”

“Siguro naman, wala nang gugulo sa atin, Per.”

“Si Rebo?”

“Oo.”

“Haharapin ko na nga siya. Hindi kita hahayaang mahawakan pa niya.

“Salamat, Per.”

Kinabukasan, maaga kaming nag-checkout sa inokupa naming room sa resort.

Banayad lamang ang pagpapatakbo dahil pa-zigzag na naman ang kalsada,. Mahabang “bitukang-manok” na naman ang lalakbayin.

Hanggang sa bumagal ang aming takbo. Trapik. Hanggang sa makita na-ming ang mga nag-uusyusong mga tao.

Nagtanong kami sa isang drayber ng dyipni nakatigil din.

“Anong nangyari, Ma­nong?” tanong ko.

“May nahulog daw na sasakyan sa bangin. Isang pulang SUV daw. Patay daw ang drayber,”

Kinilabutan ako. Nagkatinginan kami ni Jesusa.

(Itutuloy)

AGAHAN

ALALAY

ALAM

BANAYAD

HANGGANG

JESUSA

SI REBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with