“GOOD night, Per,” sabi ni Jesusa.
“Good night,” sabi ko. “Kung meron kang kailangan e tawagin mo lang ako.”
“Wala na, Per. Salamat.”
Pumasok na ito sa silid. Isinara ang pinto. Narinig ko ang klik.
Nagtungo na ako sa silid ko. Nahiga. Pumikit. Pero hindi ako dalawin ng antok. Mailap. Dahil siguro may kasama ako ngayon sa bahay. Dati pagbagsak ng katawan ko sa kama, tuluy-tuloy ang tulog ko. Umaga na ako gigising.
Ano kaya ang ginagawa ni Jesusa sa kuwarto? Nagpapatuyo pa siguro ng buhok. Baka nag-aaplay pa ng cream sa mukha at lotion sa braso at mga binti para maging makinis pa. Alagang-alaga ni Jesusa ang kutis niya. Isa iyon sa maipagmamalaki niya --- ang makinis na kutis. Hindi halatang probinsiyana si Jesusa. Nang una ko nga siyang makita noong ako ay nasa itaas ng mangga, akala ko ay galing siya sa maykayang pamilya. Masyadong makinis. Sabi nga, madali raw makikilala ang isang tao kung siya ay mayaman o mahirap kung titingnan ang balat. Makinis ang balat ng mga mayayaman samantalang sa mahihirap ay magaspang.
Pero nasira ang kasabihang iyon kay Jesusa dahil nga hindi naman siya mayaman pero ang kutis niya ay flawless. Kaya nga nang una kong mapagmasdan ang magaganda niyang dibdib habang nagdudukal ng lupa sa kanyang bakuran, nag-init na agad ako. Bakla lamang ang hindi magkakaroon ng pagnanasa kay Jesusa. Siya yung tipo ng babaing malakas ang sex appeal. Madaling makaakit ang kanyang personalidad. Parang may magnet.
Hanggang sa maalala ko ang kinuwen-to ni Jesusa na panggagahasa sa kanya ng doctor. Masyadong natakawan ang doctor sa alindog ni Jesusa. Isang linggong pinagpasasaan. Kawawa naman si Jesusa. Maagang niluray.
At ang pangyaya-ring iyon ang nananatiling nakabuntot sa alaala ni Jesusa. May nadarama siyang takot sa tuwing may lalaking “magtatangka” sa kanya. Iyon ang dahilan kaya hindi siya nagalaw ni Rebo. Ayaw niya!
Sana nga ay hindi na siya guluhin ni Rebo. Kapag nagpilit si Rebo, ako na ang makakalaban niya. Hindi ko maaaring pabayaan si Jesusa!
(Itutuloy)