“KAWAWA ka naman kung babalik ka uli sa pagiging addict. Ako pa ang magiging dahilan. Sige na nga…”
“Anong sige na nga?”
“Ay ang hina naman.”
“Ibig mong sabihin, love mo rin ako?”
“Oo. Noon pa. Mahina ka bang humalata.”
“Mahina, Tess. Mahina akong humalata.”
Sabing nakangiti. Aywan ko kung nagbibiro lang sa sagot. At hindi ko inaasahan ang pag-hawak niya sa kanang kamay ko at pinisil ang palad ko. Parang lumutang ako sa ulap sa gina-wa niya.
“Love mo rin pala ako.’’
‘‘Oo at hindi ako nakokornihan na sabihing love kita.”
Kami lamang dalawa sa aking bahay kaya wala nang hiya-hiya si Stephen. Niyakap ako at hinalikan sa pisngi. Pagkatapos ay sa labi. Mainit ang labi niya. Damang-dama ko ang init ng pagmamahal niya. Totoo. Walang pagkukunwari.
Iyon ang unang pagkakataon na nakadama ako ng tunay na pagmamahal.
Nang maghiwalay ang aming mga labi ay ganap nang napawi ang mga alalahanin sa buhay. Nawala ang aking mga kinatatakutan. Nagkaroon ng kasiguruhan ang lahat. Hindi na ako dapat mangamba.
“Teka nga pala, Stephen, paano naman kayo nagkakilala ng iyong asawa. Ikinuwento mo na rin lang lahat ang mga nangyari sa iyo e di ikuwen- to mo na rin kung paano kayo nagkakilala ng namatay mong asawa.”
“Dito ko na siya nakilala sa Brisbane. Magaling na ako noon at alam mo ma-laki ang bahagi niya sa pagbabagongbuhay. Lalo akong naging positibo sa buhay. Lagi niya akong sinusuportahan.”
“Paano mo siya nakilala?”
“Sa isang pagtitipon din dito. At alam mo ba, Tess, malaki ang pag-kakahawig n’yong dalawa ng namatay kong asawa. Kaya nang makita kita, e nagulat ako dahil parang nabuhay ang aking asawa. Parang reincarnation ka ng asawa kong si Trina…”
Kinilabutan ako.
(Itutuloy)