Ako ay Makasalanan(110)

HINDI ako makapani-wala na madaling mata­tanggap sa Australia. Siguro dahil sa matindi ang aking hangarin na makaaalis ng Pilipinas. Siguro rin ay dahil sa ma­tindi ang aking pa­niniwa-la sa Diyos na ako ay tutu­lungan. Na ang katulad kong dating makasalanan at nagsisi na ay bini­big­yan ng pagkakataon ng Diyos. Ibinigay sa akin ang mga taong tutulong para makamit ko ang pangarap.

Tuwang-tuwa sina   Ate Annie at Ate Delia sa magandang nangyayari sa aking buhay. Itinuring    ko ng kapatid ang dalawa.

“Kapag established na ang buhay mo roon ay iha­nap mo naman ako ng    ma­papangasawa, Tess,” sabi ni Ate Annie at saka nag­tawa.

“Hoy ako rin, baka pu­we­de pa ako makahabol,” sabi naman ni Ate Delia. Ang dalawa ay parehong matandang dalaga.

‘‘Sige Ate. Kapag sanay na ako roon, ihahanap ko kayong dalawa. Siguro e may pag-asa pa kayong da­lawa na makapag-asawa dahil magaganda naman kayo.”

“Sige ha, Tess. Para sama-sama na tayo roon.”

“Gusto ko pa ring ma­katikim ng ano “sausage” Tess kahit paano. Ihanap mo ako ha,” sabi ni Ate Delia at humalakhak.

Sa Brisbane ako nagtu­ngo. Hindi ako nahirapan. May mga taong tumulong sa akin. Malakas ang pa­niwala ko, nasa akin ang pagpapala ng Diyos. Hindi Niya ako pinababayaan. Positibo ang aking isipan pa­ lagi. Makakaya ko ang lahat

Sa isang casino ako nakapagtrabaho. Marami akong nakilalang kababa­yan. Marami akong naging kaibigan.

Unti-unti, nakapagpun­dar ako ng kabuhayan. Regular kong napadadal­han ng pera sina Ate Annie at Ate Delia. Pero patuloy pa rin nilang sinasabi sa akin, na hindi pera ang gus­to nila kundi “mapa­-pa­nga­sawa”. Sabi ko mag­hintay lang sila.

Ilang taon pa ang lu­mipas, isang kababayan ang nakilala ko — si Ste­phen. Muling tumibok ang puso ko. Pero laging nasa isipan ko ang pa­alala nina Ate Delia at Ate Annie na huwag akong padalus-dalos sa pagpa­pasya. Alalahanin ko raw ang mga naka­raan.

(Itutuloy)

Show comments