Ako ay Makasalanan(100)

BAHALA na! Siguro na­man hindi ako gaano ka­importante kay Mr. Dy para niya ipahanap muli. Naipapatay naman niya si Mon na “utak” ng panlo­loko. Pinendeho siya ni Mon kaya galit na galit. Siguro sa akin ay galit din si Mr. Dy pero baka mga 80 porsiyento lang. Maaa-ri pang patawarin kung sakali, pero mag-iingat din ako. Basta ang pasya ko ay hindi uuwi sa aming probinsiya kahit na anong mangyari. Wala na akong mukhang ihaharap sa aking mga magulang at kapatid. Bahala na kung ano ang mangyari sa akin.

Sa Sulucan St. ako tu­ mi­ra mula noon. Gamit ang perang “pinagputahan” ay nakaraos sa bawat araw. Sa mga unang araw ay hin-di ako naglalabas ng ku­warto sa takot na baka pina­susubaybayan ako ni Mr. Dy. Makaraan ang isang bu­wan at wala naman akong nahahalatang kaka­iba, nag­simula na akong maghanap-hanap ng pagkakakitaan. Mailap ang trabaho. Umu­uwi akong laglag ang balikat sa inuupahan kong kuwarto.

Hanggang sa may ma­pansin akong kakaiba sa katawan ko. Laging masa­ma ang pakiramdam ko. Na­duduwal. Nahihilo. Laging tinatamad kumilos Nagka­roon ako ng hinala.

Sa isang maliit na klini-ka sa may Bustillos ay nag­pakunsulta ako. At luma- bas ang resulta. Buntis ako!

Parang tumigil ang ikot ng mundo. Mas mabigat ang problemang ito. Sino ang nakabuntis sa akin? Ang Tsek­wa o ang hayup na si Mon? Hindi ko alam. Mahi­rap matukoy. Halos magka­sunod na nakipagtalik ako sa dalawang lalaki kaya hindi ko alam kung sino ang nagsabog ng kamandag    sa sinapupunan ko.

Isa ang remedyong aking naisip. Naalala ko   ang sinabi ni Cherry noon. May­ron daw isang abor-tionist sa may Soler, Sta. Cruz, May­nila. Malapit lang daw sa Avenida iyon. Pu­wedeng ipagtanong kahit   sa cigarette vendor. Iyon na lamang ang aking tanging paraan. Ayaw kong ma­buhay ang dugong nasa aking sinapu­punan.

Hinanap ko ang sina­bing lugar ni Cherry. Una akong nagtungo sa gilid ng isang lumang building sa Soler St. Tumawid ako sa Avenida. Nagtanong ako sa isang cigarette   vendor. Alam nga ng vendor ang abortionist. Itinuro ang number ng ba­hay.

Tinungo ko iyon.

(Itutuloy)

Show comments