Ako ay Makasalanan (92)
MADALAS ang katok sa pinto na parang nagmamadali. Baka nga si Mr. Dy na dahil natuklasan ang pagkawala ng isang bundle sa kanyang clutch bag. Kinabahan ako pero buo na ang desisyon ko na tatakas kapag kinumpronta. Iyon ang tangi kong magagawa at hindi ako pahuhuli. Hindi ko ibibigay ang pera sapagkat kabayaran na iyon sa paggamit niya sa akin.
Binuksan ko ang pinto. Kalahati lang. At bumulaga sa akin ang mukha ni Mon! Ang tarantado pala! Akala ang Tsekwa na!
“Papasukin mo ako bilis!”
Ibinukas ko nang todo.
“Isara mo bilis!”
Isinara ko.
“Bakit ba nagmamadali ka?”
“Nang dumating ako sa baba, naispatan ko si Tsekwa at ang mga “tuta” niya. Muntik na akong makita. Mabuti na lang nakapagkubli ako. Mga putang-inang yun.”
“Bakit kasi ngayong gabi ka pa nagpunta e alam mo namang ganitong oras nagpupunta rito si Tsekwa.”
“E sa gusto kitang makita e.”
“Puwede naman bukas ng umaga.”
“Hindi nga ako mapakali. Lagi kong naiisip na baka may nangyayari sa iyo.”
“Wala namang mangyayari sa akin.”
“Huwag kang pakasiguro, Maritess dahil tuso ang Tsekwa.”
“Wala naman akong nahahalata ah.”
“Siyempre mahahalata mo ba agad yun,” sabi at nagtatakang napatingin sa akin dahil may bitbit akong bag. “Ba’t me dala kang bag at tila bihis ka.”
Sinabi ko ang dahilan.
“Okey ang plano mo pero baka hindi ka rin makaligtas sa hayop na Tsekwa. Kahit na magtatakbo ka rito sa Binondo kaya kang sundan nun.”
“Hindi ako pahuhuli. Hin di ko ibibigay itong pera.”
“Ang mas mabuti para safe ilagay natin sa banko ang perang ‘yan. E di hindi
ka nag-aalala.”
“Bakit pa idedeposito e di umalis na lang tayo. Marami na itong perang ito, Mon.”
“Tingnan ko nga.”
Binuksan ko ang bag. Kinuha ko ang bundle.
“Kaunti pa ito. P200,000 lang ito...”
“Paano mo nalaman?”
“Sanay akong humawak ng pera. Yan ang trabaho ko sa department store ni Tsekwa nung hindi pa niya ako sinisi-pa. Marami akong binibilang at ako ang nagtatali ng lastiko…”
“Puwede na ang P200,000 marami na yan di ba?” hirit ko.
“Isang dikwat pa, Maritess. Isang-isa na lang. Pero ang kunin mo e ’yung dalawang kasingkapal nito dahil P500,000 yun.”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending