Ako ay Makasalanan (85)

NAGBALIK ng gabing iyon si Mon. Hindi ko na tinanong kung saan siya nagpunta pero siguro ay sa bahay nila sa Mari-      kina. Me dala siyang  ilang damit sa bag.

“Ba’t nagdala ka pa ng damit, kung makaiwan ka ng isang piraso dito e di problema pa kay Tsek­wa.”

“Hindi ko malilimutan ‘yan, Maritess.”

“Ba’t ba nagdala ka pa niyan?”

“Sasamahan kita rito habang wala si Tsekwa.”

“Ano ka ba, Mon, gus­to mo bang mapatay ako?”

“Kilala ko ang tsekwa na yun, duwag yun. Ang matatapang lang ay yung mga alagad niyang aso. Huwag kang matakot, Ma­ritess.”

“Kung sasamahan mo ako e di umalis na lang tayo rito. Lumayo tayo.”

“Hindi pa nga tayo nai-ku­kuha ng bahay ng pinsan ko sa Sablayan. Pero bu­kas, tatawagan ko. Kapag bukas at sinabi niyang pu­wede na tayong magpunta roon, sibat na agad tayo.”

“Kaysa naman sa ka-kaba-kaba ako na parang da­rating si Tsekwa habang nag-aano tayo. Gusto ko pang mabuhay nang matagal.”

“Oo sige na. Naiintin­di­han naman kita.”

“Kung pera lang ang   pro­blema e meron ako. Ma­rami na akong naipon bu- hat sa binigay ni Tsekwa.”

Napatangu-tango si Mon nang malaman na   may pera akong ipon.

“Me pera naman ako. Yun nga lang titirahan natin ang hindi pa okey. Gusto    ko pagpunta natin sa Sab-layan ay okey na ang la-hat.”

“Kung gusto mo sa pro­binsiya na lang namin     tayo umuwi. Mas safe tayo roon,” sabi kong mahina­hon.

“Naku ayoko! Ano na   lang ang sasabihin ng mga ma­gulang mo sa akin? Hin-di ko gustong pumisan sa mga biyenan.”

“Hindi naman tayo pipi­san sa kanila, magsasarili tayo.”

“Basta ayoko!”

Doon nga natulog si Mon. Pero sa magdamag ay gi­sing ako dahil sa ma­tinding pag-aalala na baka biglang dumating si Mr. Dy at ma­huli kami ni Mon na magka­tabi sa kama.

Kinabukasan, nagpaa­lam si Mon. Pero nakapag­tatakang humingi sa akin ng pera. Tatawagan daw niya ang pinsan sa Sab­layan. Binigyan ko. Ma­buti ngang tawagan na niya para makaalis na kami rito at hindi na ako mangamba.

Kinagabihan, hinintay ko ang pagdating ni Mon. Hindi dumating. Nang magmadaling-araw si Mr. Dy ang dumating. Nagkukumahog ako sa pagtatago sa damit ni Mon. Delikado ako! Pa-tay ako pagnakakita si Tsekwa ng ebidensiya.

(Itutuloy)

Show comments