Ako ay Makasalanan (85)
NAGBALIK ng gabing iyon si Mon. Hindi ko na tinanong kung saan siya nagpunta pero siguro ay sa bahay nila sa Mari- kina. Me dala siyang ilang damit sa bag.
“Ba’t nagdala ka pa ng damit, kung makaiwan ka ng isang piraso dito e di problema pa kay Tsekwa.”
“Hindi ko malilimutan ‘yan, Maritess.”
“Ba’t ba nagdala ka pa niyan?”
“Sasamahan kita rito habang wala si Tsekwa.”
“Ano ka ba, Mon, gusto mo bang mapatay ako?”
“Kilala ko ang tsekwa na yun, duwag yun. Ang matatapang lang ay yung mga alagad niyang aso. Huwag kang matakot, Maritess.”
“Kung sasamahan mo ako e di umalis na lang tayo rito. Lumayo tayo.”
“Hindi pa nga tayo nai-kukuha ng bahay ng pinsan ko sa Sablayan. Pero bukas, tatawagan ko. Kapag bukas at sinabi niyang puwede na tayong magpunta roon, sibat na agad tayo.”
“Kaysa naman sa ka-kaba-kaba ako na parang darating si Tsekwa habang nag-aano tayo. Gusto ko pang mabuhay nang matagal.”
“Oo sige na. Naiintindihan naman kita.”
“Kung pera lang ang problema e meron ako. Marami na akong naipon bu- hat sa binigay ni Tsekwa.”
Napatangu-tango si Mon nang malaman na may pera akong ipon.
“Me pera naman ako. Yun nga lang titirahan natin ang hindi pa okey. Gusto ko pagpunta natin sa Sab-layan ay okey na ang la-hat.”
“Kung gusto mo sa probinsiya na lang namin tayo umuwi. Mas safe tayo roon,” sabi kong mahinahon.
“Naku ayoko! Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang mo sa akin? Hin-di ko gustong pumisan sa mga biyenan.”
“Hindi naman tayo pipisan sa kanila, magsasarili tayo.”
“Basta ayoko!”
Doon nga natulog si Mon. Pero sa magdamag ay gising ako dahil sa matinding pag-aalala na baka biglang dumating si Mr. Dy at mahuli kami ni Mon na magkatabi sa kama.
Kinabukasan, nagpaalam si Mon. Pero nakapagtatakang humingi sa akin ng pera. Tatawagan daw niya ang pinsan sa Sablayan. Binigyan ko. Mabuti ngang tawagan na niya para makaalis na kami rito at hindi na ako mangamba.
Kinagabihan, hinintay ko ang pagdating ni Mon. Hindi dumating. Nang magmadaling-araw si Mr. Dy ang dumating. Nagkukumahog ako sa pagtatago sa damit ni Mon. Delikado ako! Pa-tay ako pagnakakita si Tsekwa ng ebidensiya.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending