^

True Confessions

Ako ay Makasalanan(74)

- Ronnie M. Halos -

NANG inaakala kong wala na si Prof ay nagmamadali rin akong lumabas ng uni­bersidad at nagtaxi na pa­tungong Binondo. Hindi na ako magpapakita pa kay Prof. Maghintay siya sa wala. Gayunman, itina­go ko pa rin ang calling card niya.

Hindi na ako papasok. Aanhin ko pa ang diploma e ito’t mayroon nang la­la­king nagmamahal sa akin. Talagang nagpakita ng pag­kaseryoso sa akin dahil ako na ang itinira sa ma­ garang unit. Mas may ki­na­bukasan ako kay Mon kaysa sa estudyanteng si Bobby na nakauna sa akin. Wala akong mahihita sa kanya na kukulo-kulo rin ang tiyan. At saka hindi ko naman talaga siya gusto. Wala akong nadarama sa kanya. Nilasing pa ako para lang mapagsawaan. Hayop na ‘yun!

Si Prof naman ay kata­wan ko ang ang gusto at wala nang iba. Parausan lang. Kapag kinati ay saka ako hahanapin. Taranta­dong matandang binata yun, akala yata at naipasa ako sa dalawang subjects niya e okey na okey ako na pagpasasaan niya. Akala yata, gusto ko na rin siya.

Si Mon lang talaga ang nakikita kong may plano para sa akin. Ibinahay na agad ako. At hindi basta bahay lang ang pinagdal­han sa akin. Kumpleto pa sa gamit. Me aircon, TV, ref at iba pa. Hindi na katulad ng dati kong tirahan sa Lardizabal na may maalin­sangan, maraming bubuwit, ipis at kung anu-ano pa. At higit sa lahat, hindi na ako maaadik sa “damo” na iti­nutulak ni Cherry.

Narito na ako sa itinutu­ring kong paraiso sa Bi­non­do. Wala si Mon nang du­mating ako. Pumasok din siguro sa department store. Kahapon ay hindi siya pu­masok at nakipag-meeting daw kay Mr. Dy. Talagang malakas kay Mr. Dy si Mon dahil ito raw unit na ito ay galing sa among Intsik. Si­guro kahit na anong hilingin ni Mon kay Mr. Dy ay ibibi­gay nito.

Nahiga muna ako sa ma­lambot na kama. Ang sarap ng pakiramdam habang tumatama sa katawan ko ang lamig na ibinubuga ng aircon. Nakatulog ako. Nang magising ako ay pa­sado alas tres ng hapon.

Noon ko naisipang buk­san ang ref at nagulat ako nang makitang may karne at isda roon. May­roon din namang bigas. Ipinasya kong magluto. Kung da­rating si Mon nang ma-aga, sabay kaming ka­kain. Gagampanan ko ang papel bilang asawa. Iyon naman talaga ang mangyayari sa ayaw ko   at sa gusto.

Pero hatinggabi na nang dumating si Mon. Marami raw siyang gina­wa sa opisina. Pinatawag pa siya ni Mr. Dy.

Humiling si Mon na mag­talik kami. Wala akong magawa sa lalaking so-bra ang “pagkahilig”.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

MON

MR. DY

NANG

SHY

SI MON

SI PROF

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with