HINDI umawat ang manager. Pinabayaan lang ako. Siguro’y para mawala ang matinding inis ko sa lalaki.
“Iyan ang bagay sa’yo manyakis,” sabi ko.
“Sige Mam, ako nang bahala sa kanya. Irerekomenda kong tanggalin siya.”
“Dapat lang na tanggalin ‘yan. Baka lahat ng customer n’yo e bosohan niyan. Sinungaling pa.”
Pagkarinig na tatanggalin siya sa trabaho ay narinig kong nagmakaawa ang lalaki sa manedyer.
“Sir mayroon po akong pinag-aaral at ang nanay ko ay maysakit. Wala naman po akong kasalanan.”
“Saka ka na magpaliwanag. Sige bumalik ka na sa puwesto. Bukas ng umaga, magreport ka sa akin.”
Walang nagawa ang lalaki. Bago lumabas ay tumingin sa akin. Parang minumukha- an ako nang todo.
Masinsinan naman akong kinausap ng manager.
“Pasensiya ka na Mam. Hindi na mauulit ang ginawang iyon. Sinisiguro ko na matatanggal siya.”
“Dapat lang dahil bosero siya. Sigurado ako na sinisilipana niya ako kanina. Bawat bukaka ko habang nagsusukat ng sapatos e hinahabol ng tingin niya.”
Napangiti ang manager.
“Kasi naman Mam e ang sexy mo. Maski ako, baka matuksong silipan ka.”
Napaismid ako.
“Ano nga palang name mo, Mam.”
“Maritess.”
“Ako naman si Mon.”
“Sige Mon, siguruhin mo lamang na matatanggal ang lalaking iyon. Para naman hindi na malagay sa panganib ang mga customer n’yo. Baka nga ang mga nagsusukat ng damit e nabobosohan niya.”
“Sige ako nang bahala. E, puwede bang malaman ang number mo, Maritess. Kung puwede lang naman.”
“Wala kaming phone e.”
“Address.”
“Mahirap hanapin ang sa amin.”
“Estudyante ka ba?”
“Oo.”
“Anong school?”
Sinabi ko.
“Schedule.”
“Ah sobra na ‘yan ha.”
“Schedule lang eh.”
Sinabi ko. Wala namang mawawala sa akin.
“Puntahan kita ha. Mag-dinner lang tayo.”
“Naku ha?”
“Sige na.”
“Bahala ka. Basta yung bosero, tanggalin mo.”
“Bukas tanggal na ‘yun.”
Nagpaalam na ako. Inihatid pa ako sa labasan ni Mon. Masaya ako dahil nakaganti na ako sa bosero.
(Itutuloy)