^

True Confessions

Ako ang makasalanan (41)

- Ronnie M. Halos -

LUMALIM pa nang lu­malim ang imahinasyon ko. Iyon na nga ang rurok ng sinasabi ni Cherry na “tatluhan”. At kung hayop si Bobby, mas hayop din si Cherry sapagkat naki­hati sa ginagawang ka­hayupan ni Bobby. Si­naluhan pa ako ng gaga. Talagang ayaw pala­lamang, ha-ha-ha!

Hindi pa mapigilan ang paglawak ng aking imahinasyon. Talagang tuluy-tuloy ang agos. Ganoon pala iyon, si Cherry ang nagturo. Hindi ko akalain na kayang gawin ni Cherry pero iyon nga ang ginawa. At ka­yang-kaya niya. Hindi na­hi­rapan. Ano kayang meron ang Cherry na ito at alam na lahat ang tungkol sa kamunduhan. Sabagay malaki na ang karanasan niya. Una siyang nabuntis ng pinsan. Nagpa-abort. At mula noon ay nagpalipat-lipat na ng lalaki. Hindi rin natupad ang pangako sa kanyang magulang na hindi na maliligaw ng landas. At ngayon, ako ay isinasama na sa pagka­ligaw — na gusto ko naman, ha-ha-ha!

Hanggang sa unti-unti ay magbalik ako sa ka­tinuan. Unti-unti nang na­walan ng bisa ang hinithit. Nawala na ang lalim ng imahinasyon nang pagsa­salo naming tatlo. Nasu­suklam ako. Nandidiri ako.

Nang pagmasdan ko si Cherry ay nakasalampak na ito sa sahig. Namumula ang mga mata. Halatang sabog na sabog.

“Ba’t nakatingin ka sa akin ng ganyan?” tanong.

“Wala.”

“Sabog ka na rin ano?”

“Hindi na gaano.”

“Aayaw-aayaw ka lang e. Di ba ang sarap?”

Hindi na ako sumagot. Baka kung saan lamang mapunta ang usapan.

“Siguro gusto mo rin ng sinabi ko kanina — yung tatlo tayo nina Bobby.”

“Sabog ka pa talaga, ano?”

Humalakhak nang hu­malakhak ang gaga. Ayaw tumigil.

Hanggang sa maka­rinig kami ng mahihinang katok sa pinto. Agad na inalis ni Cherry ang mga basahang nakapasak sa siwang ng pinto.

Naisip ko baka si Bobby. Baka gusto na namang magtalik kami. Hindi kaya magkatotoo ang naiisip ni Cherry? Baka bumigay na ako. Nakalublob na ang paa ko sa putik.

(Itutuloy)

AAYAW

AKO

CHERRY

HANGGANG

SABOG

SHY

TALAGANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with