Ako ay Makasalanan (35)

'“MARAMING beses na ba kayong nag-sex ni Carlo?” Tanong ko kay Cherry. Wala na akong nararamda­ mang hiya sa pagtata­nong ng mga ganoong bagay. Matapang na ako dahil sa damo.

“Ilang beses na rin. Una sa motel dun sa may Abenida. Grabe ang lalaking iyon.”

“Hindi ka nabu­ bun­tis?”

“Hindi. Baog yata si Carlo,” sabi at tuma­wa.

“Paano kung ma­buntis kang bigla?”

“Saka na lang pro­blemahin ‘yun.”

“Di ba sabi mo na­buntis ka ng pinsan mo noon?”

“Oo nga. Ay naku hwag mo nang ipaalala yun. Baka magtrip akong puntaham ang naka­ buntis sa akin nun at sak­sakin ko. Huwag ka nang magkuwento ukol sa nakaraan. Bad trip ka naman.”

“E anong ikuku­wento ko?”

“’Yung ginawa n’yo ni Bobby di ba masarap ikuwento ‘yun.”

“Sira! Hindi ko na nga maalala ang gina­wa ng gago….”

“Maniwala ako. Sa­rap na sarap ka e nasa harapan mo at naka­subsob si Bobby tapos hindi mo matan­daan.”

“Sira! Hindi ko talaga matandaan. Hindi ko nga alam na ganun na pala ang ginagawa.”

“Pero nasarapan ka.”

Tumango ako.

“Kitam. Aayaw-ayaw ka pa.”

“Totohanin kaya ako ng Bobby na ‘yun. Muk­ hang inisahan lang ako.”

“Tototohanin ka nun. Kita mo nga at inihatid ka pa rito. Kung man­loloko ‘yun sana hindi ka na inihatid at umalis na lang matapos kang mayakbi.”

“Anong mayakbi?”

“Mabiyak, he-he-he!”

Hanggang sa mata­himik ang kapaligiran. Wala akong marinig. Natulog na yata si Cherry o nagti-trip na. Pakiramdam ko lumi­lipad ako nang pagka­taas-taas. Ano ba itong nararamdaman ko? At pagkaraan ay naisip ko sina Tatay at Inay at pati ang mga kapatid ko. Nasa malayong pro­binsiya sila. Naimadyin kong nag-iisip sina Tatay kung paano mag­papadala ng pera sa akin. Ipagbibili ang naa­ning palay at magko­kopra. Ipagbibili ang alagang baboy, baka o kalabaw.

Napangiti ako. Ano ba itong naiimadyin ko. Bad trip na yata ako. Pinilit kong huwag ala­lahanin sina Tatay at Inay.

Hanggang sa wala na akong maalala. 

Kinabukasan, hirap na hirap akong buma­ngon. May klase ako ng 8:00 a.m. pero hindi ko kayang pumasok. Absent na lang uli ako. Ba­hala nang mapakiu­sa-pan ang propesor ko.

Maski si Cherry ay hindi rin pumasok ng umagang iyon. Kina­ hapunan, nakita kong nagbihis.

“Papasok ka, Cherry?”

“Hindi. Me pupun­ tahan lang. Baka gus­to mong sumama?”

“Ayoko.”

Mga sampung mi­nuto makaraang uma­lis si Cherry, may ku­matok. Nang buksan ko, si Bobby. Naka­ngiti. Me dala nasa supot. Nag-atubili ako kung papapasukin siya o hindi.

(Itutuloy)

Show comments