SA salas, nakita namin ang mga nakahanay na aluminyong lalagyan na nasa ibabaw ng pandak na mesa. May takip ang mga iyon. May nakahandang pinggan, kutsara at baso. Maliit lang ang salas. Malamlam ang kulay pulang ilaw.
“Gusto n’yo nang kumain?”
“Sige, gutom na nga itong kasama ko,” sabi ni Cherry.
Pumiyok ako.
“Ba’t ako? Ikaw itong gutom e.”
Kinurot ako sa tagili-ran ni Cherry.
“Sige kanya-kanyang sandok na lang kayo.”
Binuksang isa-isa ni Cherry ang mga may takip na aluminyo. Pansit, menudo, embutido, bopis, isdang inihaw at kanin.
“Sarap! Ikaw ang nagluto, Carl?”
“Pinaluto ko diyan sa tabi-tabi. Meron pa akong hinihintay. Mamamaya raw.”
“Ano yun?”
“Pampulutan.”
“Ay iinom tayo?” tanong ni Cherry.
“Kaunti lang.”
“Kahit marami. Etong kasama ko, malakas nang uminom ‘yan.”
Umingos ako.
“Ay ikaw diyan ang malakas.”
Nagtawa si Carl. Napansin kong sinulyapan niya ng tingin ang “umbok” ng dibdib ko. Medyo iniharang ko ang kanang braso ko sa tapat ng umbok. Parang naglalaway ang Carlong ito kapag nakatingin sa “papaya” ko.
“Ano bang balak mong ipainom sa mga bisita mo.”
“Puwede ba kayo gin at juice. Paghahaluin.”
“Sige okey lang,” sabi ni Cherry.
“Hindi ba matapang ‘yun?” tanong ko.
“Hindi naman. Mild lang ‘yun.”
“Wala bang beer?” sabi ko.
“Sige para sa’yo ibibili kita ng beer,” sabi ni Carlo.
“Kakahiya naman sa’yo ako na itong makikiinom e ako pa itong mapili.”
“Ayos lang.”
“Mabuti pa kumain muna tayo,” sabi ni Cherry.
“Wala bang ibang bisita?” tanong ko.
“Darating na ang mga ‘yun. Nasa klase pa kasi.”
Sumandok ng kanin si Cherry. Naglagay ng bopis. Kumain.
“Ikaw Maritess, sige ka, malalasing ka kapag hindi ka kumain.”
“Opo kakain na.”
Sumandok ako ng kanin at menudo. Tahimik na kumain sa sulok. Si Carloi at Cherry ay nag-uusap nang masinsinan sa sulok.
Masarap naman ang pagkaluto ng ulam. Malinamnam.
Mga kalahating oras pa, nagdatingan na ang mga bisita. Pero mga lalaki…
(Itutuloy)