Ako ay makasalanan(18)

“MASAKIT ang ulo ko Che­ rry,” sabi ko habang na­kadapa at isinubsob sa unan ang aking mukha. “Pinilit mo kasi ako…”

“Gaga! Ako pang sinisi e gusto mo ring uminom. Mawawala rin yan. Kape lang ang katapat niyan.”

“Hindi tuloy ako naka­ pa­sok.”

“Malapit na ang sem break di ba. Wala nang ku­wenta ang klase.”

“Me exam pa ako sa dalawang subject. Putris paano ko mahahabol ang prof ko roon e hindi ko alam ang bahay.”

“Huwag kang magpanic.”

Isinubsob ko ang muk­ ha sa unan. Ang sakit tal­aga. Parang binibiyak.

Kinabukasan, pinilit kong hanapin ang prope- sor para makakuha ng special exam pero sabi sa office, bihira raw dumaan   doon ang propesor na iyon. Kapag hindi ako nakakuha ng exam, bagsak ako.

Ipinagtanong ko sa mga kaklase ko kung paano    ma­­kokontak ang propesor   pero walang makapagsabi.

“Mahirap pakiusapan si Sir, Maritess. Di ba masu-ngit ang DOM na ‘yun. Ka­pag sinabing walang spe-cial exam, wala talaga.”

“Abangan ko na lang sa faculty office at baka mati­yem­puhan ko.”

“Subukan mo pero alam ko, bihirang pumunta ang DOM na yun.”

“Bakit DOM ang tawag?” tanong ko.

“Ewan, basta yun ang tawag kay Sir.”

“Dirty Old Man, e di ma­hilig?” sabi ko.

“Siguro.”

“Paano ko kaya makikita si Sir. Problema ito.”

“Bakit ba kasi wala ka kahapon e alam mo nang may exam.”

“Ang sakit kasi ng ulo ko. Parang binibiyak.”

“Sana sumaglit ka at nag­paalam. Hindi ka bibig­yan ng Singko dahil nagpa­alam ka. Baka Incomplete ang ibigay sa’yo.”

Nang umuwi ako, iyon pa rin ang sinabi kong pro­blema kay Cherry. Nakataas ang kilay niya.

“Hanggang ngayon ba e probema mo ‘yan?” “Oo. Mahirap na raw mahagilap si Sir.”

“E di hayaan mo na pro­blema ba ‘yun?”

“Baka bigyan ako ng Singko.”

“E di kunin mo uli next sem.”

Napabuntunghininga ako. Si Cherry ay kukuya­kuyakoy sa pagkakaupo. Parang walang problema. Hindi ko alam kung pu­masok siya sa kanyang klase ng araw na iyon.

“Tingnan mo ako, pa-easy-easy lang. Huwag kang magpakataranta, Marites. Hayaan mo kung ibagsak ka.”

Nahiga na lang ako. Nag-iisip sa problemang iyon.

“Gusto mo uminom uli tayo? Para mawala ang hang-over mo. Mas ma­ gan­da ka­pag sinusundan para ma­wala agad ang pag-   kala­sing,” sabi ni Cherry ha­bang inuuguy-ugoy ang mga paa sa pagkakaupo.

Ano ba itong ginagawa ni Cherry? (Itutuloy)

Show comments