TINAPOS ko ang pagkain.
“Halika na, Cherry. Saan ba yung boarding house na sinasabi mo?”
Tila nagulat si Cherry sa pagyaya ko. Iniisip pa siguro ang mga sinabi ko kanina na nagdodroga siya kagaya ng sinabi ni Mely.
“Diyan lang. Pinuntahan ko na yun kahapon. Okey naman sa may-ari na magda lawa sa kuwarto.”
“Paano ang pagbabayad?”
“Share tayo.”
“Baka kapusin ako, Cher ry. Susulat pa ako sa probinsiya para padalhan ako ng pera. Sasabihin ko rin na lumipat na ako.”
“Walang problema. Ako na muna ang so-shoulder ng bayad.”
Lumabas kami sa restaurant. Tinungo namin ang kalsada sa gilid ng restaurant na may nakasulat na Lardizabal St. Mga ilang block lang mula sa restaurant ay tumigil kami sa isang dalawang palapag na bahay. Luma na ang bahay. Tabla ang dingding sa itaas pero hollow block sa ibaba. Napansin kong ang mga bahay sa dakong iyon ay halos pare-parehong luma.
May mababang gate na bakal. Puwedeng abutin ang pagkakatrangka. Inalis ni Cherry ang pagkakatrangka.
“Parang kabisado mo na ito, Cherry.”
“Nakapunta na ako nang madalas dito noon. Yung isang kababayan ko ay dito nag-board dati. Kilala ko na ang may-ari nito.”
“Dito rin nakatira ang may-ari?”
“Oo. Sa silong sila. Yung sa itaas ang pinauupahan.”
Lumapit kami sa pinto. Kumatok si Cherry. Maya-maya bumukas. Isang babae na mahigit 50-anyos marahil ang kumuwadro.
“Aling Nene, lilipat na po ako. Siya po ang kasama kong titira,” itinuro ako. Tuma ngo lamang si Aling Nene.
“”Yung susi po.”
Nagpaalam sandali si Aling Nene. Nang magbalik ay dala na ang susi. Iniabot kay Cherry.
Umalis na kami. Tinungo namin ang katabing pinto na kinaroroonan pala ng makitid na hagdan pataas. Sa itaas tumambad sa amin ang tatlong magkahanay na kuwarto at sa bawat pinto ay may nakasulat na A-1, A-2 at A-3.
“Dito tayo sa A-1.”
Sinusian ni Cherry ang pinto. Nabuksan. Kinapa ang switch sa may pinto. Ini-on. Nagliwanag.
“O maganda di ba?”
Maganda naman pala kahit na makitid. Malinis. May maliit na banyo na nag sisilbi na ring CR.
“Kaya lang iisa ang bed,” sabi ko. “Saan ako pupuwesto?”
“Tabi na lang tayo sa pagtulog. Kasya naman siguro tayo.”
Ano? Hindi kaya si Che rry ang tomboy? Parang naaasiwa ako. (Itutuloy)