Ako Ay Makasalanan (7)
MAGIGING ipokrita ako kung hindi ko sasabihin na natatangay ako sa ikinukuwento ni Cherry. Paano’y dinetalye pa ng bruha ang mga nangyari. Una raw niyang pakikipagtalik. Masyado na raw silang natangay ng kanyang pinsan. Akala niya ay babakla-bakla ito pero nang maramdaman niya ang pagkalalaki nito, nakumpirma niyang lalaki talaga at may kakaiba siyang sarap na nadama. Unang karanasan, unang ligaya sa pakikipagtalik pero ang matindi ay sa kanyang pinsan.
Nag-iinit ako sa mga kinukuwento ni Cherry. Gusto ko madaliin siya sa pagkukuwento para malaman ang mga nangyari pero ibinibitin pa ng bruha. Nararamdaman yata ang pagkaatat ko.
“Nasaktan ako, Maritess pero saglit lang. Ang kasunod pala ng kirot ay sarap. Ay Diyos ko, hindi ko maipaliwa nag. Butil-butil ang pa- wis ko at pati sa kanya.”
“Doon na mismo sa banyo talaga nangyari?”
“Oo. Kapag ganoong nagnanakaw ng sandali, kahit saan puwede na. Hindi naman puwede sa kuwarto at baka biglang dumating si Kuya Ramon. Mas safe sa banyo.”
“Anong nangyari pagkatapos?”
“Medyo mahirap dahil makipot ang banyo pero nairaos din. Napawalan ang init na aming nadama.”
Napabuntunghini-nga ako.
“Nagsisi ka sa nangyari?”
“Nung una hindi. Gusto ko naman at nasarapan ako.”
“Kahit kaunti hindi ka natakot na magpinsan kayo e kayo pa itong nagkaanuhan.”
“Hindi ko nadama ang ganun. Kung nadama ko ba e di sana hindi na nasundan.”
“Nasundan pa ang pagtatalik n’yo?”
“Oo. Maraming beses pa.”
Shock uli ako. Talagang kakaiba si Cherry.
“Pero hindi na sa banyo kami nag-anuhan. Doon na sa kuwarto niya.”
“Hindi nakahahalata ang Kuya Ramon mo?”
“Hindi. Kasi busy sa trabaho niya. Laging wala sa bahay. Umaalis siya e nasa bahay pa kami ni insan. Solong-solo namin.”
“Nagtagal ang ginagawa n’yong kasalanan?”
“ Isang semester din. Nabuntis kasi ako.”
Shock uli ako.
“Sinabi ko sa pinsan ko. Aba ang sagot ba naman e wala raw si-yang pakialam sa akin. Ako raw naman daw ang may kasalanan. Kung hindi ko raw siya nilandi e hindi mangyayari ang lahat. Pinagmumura ko. Sinuntok ko. Galit na galit ako. Ako pa ang sinampal. Tulig ako…”
Hindi ako makapagsalita. Hinihintay ko pa ang mga kasunod ng kuwento niya.
Nagpatuloy si Cherry.
“Palaban na talaga ako. Patay kung patay na. Ipinasya kong isumbong kay Kuya Ramon ang mga nangyari. Palalabasin ko, ginahasa ako ng walanghiya kong pinsan. Tingnan ko lang kung anong gagawin ng tarantado.” (Itutuloy)
- Latest
- Trending