Black Pearl (27)

TOTOO na ang alak ay ma­bisa para maging malikot ang imahinasyon. Di ba’t kanina nung hindi pa lumalabas si Melissa sa kuwarto nila ni Fer­nando ay kung anu-anong produkto ng imahi­nasyon ko ang lumabas. Kung alam lamang ni Me­lissa na malaswa na ang nangyari sa amin kanina, naudlot nga lang dahil nabasag ang baso ko.

“O ano Frank at nati­tigilan ka. Me binabalak ka na yata sa akin e di ko pa alam,” sabi ni Melissa na ang tinig ay nagba­bago na. Umeepekto na ang alak. Lumalaban na talaga.

“Ha, a e wala Melissa. Ikaw naman napansin agad ako.”

“Kasi’y natitigilan ka. Anong kaberdehan ba ang iniisip mo?”

“Nag-iisip nga ako.”

Kinuha ni Melissa ang baso ko at sinalinan ng alak. Mababang kalahati.

“Masarap pala kapag nakakainom ano, Frank. Umiikot ang paligid.”

Tinungga ang alak.

“Oy baka magalit si Fer­nando at ako ang sisihin ha.”

“Ba’t ba takot na takot ka?”

“Kasi’y baka kung ano ang isipin…umiinom ka na kasi. Alam mo naman ma­lalim ang pagkakaibigan namin…”

Tumingin sa akin.

“Paano kung me mang­yari sa atin, Frank, nga­yong gabing ito?”

Hindi ko alam ang isa­sagot.

“Hindi ko na talaga kaya Frank. Kung walang mang­ya­yari sa atin. Mas mabuti pa siguro umalis ka na. Bakit ka pa ba nagtungo rito kung walang mangya­yari?”

Ano ba ang sinasabi ni Melissa? Dulot siguro ng alak kaya kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig.

“Ikaw at ako lamang ang makaaalam kung sakali, Frank.”

Hindi na talaga ako ma­kaiiwas kay Melissa. Narito na sa harapan ko ang ba­baing nagsusumamo at nagmamakaawa.

“Kaya mo, Frank?”

Tumango na ako. Pa­ano ako makatatanggi? Nanga­ ngapal ang mukha ko. Ang init ng masarap na alak ay nanatili at tila nag-uudyok na gawin na ang iniaalok ni Melissa. Kaming dalawa lamang daw ang maka­aalam.

“Saan tayo, Melissa?”

“Sa kuwarto mo sa itaas. Mauna ka na roon. Titiyakin ko kung tulog na tulog na si Fernando.”

Tumayo ako. Tila gusto kong bumagsak. Pero nang patungo na ako sa itaas at humahak­bang ay tuwid na ang aking mga paa.

Ibinagsak ko ang ka­tawan sa kama. Umiikot ang paligid. Idinuduyan ako. Ang pagkalalaki ay nag-uumigting.

Hanggang sa marinig ko ang unti-unting pag­bubukas ng pinto. Nang tingnan ko, si Melissa na.

Kung ano ang nakita ko sa malikot na imahi­nasyon kanina, ga­noong-ganoon din ngayon. Kung ano ang inisip mo, iyon ang mangyayari…

(Itutuloy)

Show comments