^

True Confessions

Black Pearl (25)

- Ronnie M. Halos -

MANILA, Philippines - BAKA bumigay na siya? Iyon ang gustong sabihin ni Melissa. At palagay ko hindi siya nagbibiro dahil ang tinig niya ay seryoso.

“Kanina nga, pinilit na naman niya. Nag-ano kami. Puwede na raw… pero wala talaga. Talo pa ang lantang dahon ng ka­mote…” sabi ni Melissa habang pinupu­nasan ang bahaging tina­punan ng alak.

Ano ba ang masasabi ko sa pagkakataong iyon? Magiging plastik na ako kay Melissa kung sabihin ko na baka naman maaari pang gamutin ang pagka­inutil ng aking kaibigan. Ayaw ko siyang paasa- hin. Kung si Fernando mis­mo ay nasabi sa akin na pang­de­korasyon na lang ang “lawit” niya paano pa ako maka­pagpapayo kay Meli­ssa.

“Pinilit niyang ipasok   ang ano niya pero walang mangyari. Talagang hindi puwede. Kahit anong ga-win at ako ay lalong nahi-hi­ra­pan…”

Naidrowing ko sa ima- hi­nasyon ang sinasabi ni Melissa. Nagpupumilit si Fernando na bungkalin ang masaganang lupa pero ma­bigat ang problema sapag­kat ang araro ay ayaw ku­magat. Ayaw magkaroon ng lakas para tuluyang bu­maon ang talim sa lupa. Talagang mahirap magli­bing nang patay. Kailangan, kung maglilibing ay tala­gang buhay.

Tumayo si Melissa. Hu­makbang palayo para ita­pon ang basag na baso. Nasundan ko ng tingin ang paglakad niya. Umiindayog. May pang-akit. Sayang ta­la­ga ang masasabi ni Fer­nando sapagkat nasa kasa­riwaan ang kanyang asa­wa. Makatas kumbaga sa prutas. Kaya hindi ko masisi si Fernando kung paulit-ulit na gawin ang pag-angkin sa asawa na lagi namang bigo. Walang maipagkaloob.

“O eto na ang baso, Frank. Ingatan mo na ‘yan. Sige ka kapag nabasag ‘yan e ikaw na ang magli­linis.”

“Sabi ko naman sa’yo ako na ang maglilinis kanina.”

“Ok lang. Basta mag-ingat ka na lang.”

“Si Fernando, tulog na si­guro ano?”

“Kanina gising pa. Nari­nig nga ang pagbagsak ng baso mo. Siya nga ang nagsabi na tingnan ko kung ano ang nabasag.”

Hinagip ko ang bote ng alak. Binuksan at nagsalin sa bagong baso.

“Baka hinahanap ka ni Fernando, okey lang ako rito, Melissa.”

“Siya ang nagsabi na dito na muna ako sa salas. Kakahiya naman daw na nag-iisa ka rito.”

“Hindi ka pa inaantok?”

“Hindi pa. Magkuwen­tuhan tayo, Frank. Kahit green ok lang. Pampali­-pas ng oras. Pampaalis ng bagot at lungkot.”

Nagtawa ako.

“Wala akong alam na berde.”

“Ikaw pa ang mawalan e noon ngang unang gabi rito na nagkuwentuhan ta-yo e nag-init na ako sa mga sinabi mo… alam mo ‘yon?”

Napalunok ako.

(Itutuloy)


AKO

AYAW

FERNANDO

KAHIT

KANINA

SHY

SI FERNANDO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with