Black Pearl (24)

“SO-SORI Melissa, na­dulas sa kamay ko…”

“Okey lang ‘yan.”

“Nasaan ang walis tambo at ako na ang mag­­wawalis. Kakahiya na­man. Eto kasing ka­may ko e kapag nakaka­inom e nawawalan ng higpit ang kapit.”

“Hmmm aminin mong me tama ka na, Frank.”

“Konti Melissa. Ang sarap kasi nitong alak     ni Fernando. Parang ba­le­wala kung inumin.”

“Sa Duty Free yata binili ‘yan.”

“Nasaan ang walis,   at ako na ang maglilinis nito.”

“Sabi nang huwag mag-alala at ako na. Sige ituloy mo na lang ang   pag-inom at kukuha pati ako   ng basahan.”

“Kakahiya naman. Nag­basag na ako e ikaw pa itong maglilinis.” “Okey lang. Sige diyan ka muna.”

Umalis si Melissa. Na­sundan ko ng tingin. Kung alam lamang ni Melissa na siya ang iniimadyin ko kanina kaya nabitiwan ko ang baso. Malapit na sa­nang maganap ang hina­hangad niya kung hindi     ko nabitawan ang baso. Lintik ka Frank, huwag    mo nang ituloy ang hindi dapat. Masama na ang tama ng alcohol.

Maya-mama pa eto na si Melissa at may dalang walis tambo at dust pan. May bitbit ding basahan.

“O bakit di ka pa umi­inom. Frank?”

“Mamaya konti Melis- sa at nagpapababa pa. Teka, si Fernando ba e gi­sing pa?”

“Ngayun-ngayon lang natulog.”

“Akala ko ba kanina pa yun matutulog?”

“E ano eh… makulit…”

Napamaang ako.

Ipinagpatuloy naman ni Melissa ang pagwawalis sa pira-pirasong bahagi   ng baso. Marahan ang pag­­walis at baka tumalsik ang mga maliliit na piraso ay ma­tapakan.

Hindi ko inaasahan ang itatanong niya.

“Ikaw Frank, kung ang asawa mo e maghanap ng iba dahil ikaw e walang maipagkaloob sa kanya, ano ang gagawin mo?”

Napalunok ako. Hindi ko alam ang isasagot.

“Mahirap sumagot, Melissa.”

Patuloy si Melissa    sa pagwalis sa pira-pirasong baso. Nang ma­walis na lahat at nasa dust pan na, pinunasan naman ng basahan ang bahaging nabasa ng alak.

“Bakit mo naitanong Melissa?”

Tumingin sa akin si Melissa.

“Si Fernando kasi, wala na yatang pag-asa. Baka matukso na ako… baka umano na ako…”

(Itutuloy)


Show comments