MAPULANG-MAPULA na si Fernando dahil sa iniinom na beer. At ako man din siguro. Kahit na hindi ako magsalamin, alam ko, mapula na rin ako. Kaunting alak lang mestiso na ako.
Hindi ko alam, akbay ko na si Fernando at pinapayapa sa kanyang nararamdamang kasiphayuan sa buhay.
“Alam mo Frank, nung ma-stroke ako at namatay ang kalahating katawan natiyak ko nang apektado ang pagdyugyog ko. Totoo nga. Nang tangkain kong laruin, ayaw na. Pinalaro ko kay Melissa ayaw din.”
Hindi ako humihinga habang nakikinig kay Fernando. Gumagapang ang espiritu ng alak sa isip ko pero maliwanag sa akin ang lahat. Baka kaya naririnig kami ni Melissa ay nakakahiya naman sa kanya.
“Pinipilit ng isip ko pero hindi talaga kayang pagalawin. Wala na.”
“Baka naman masyado mong minamadali, Fernando.”
“Hindi ako nagmamadali. Ayaw talaga.”
“Kapag nanonood ka ng mga x-rated anong nangyayari?”
“Parehas din. Andami kong bala ng mga x-rated dyan at nanonood ako sa kuwarto pero ayaw maantig. Kung noon ay walang kasingbilis na tumayo, kabaliktaran ngayon, kuluntoy.”
Bahagya akong ngumi-ti. Wala akong masabi sa problema niya. Hindi naman ako doctor na alam ang mga gagawin.
“Alam mo ang isang ikinatatakot ko, Frank at ayaw ko sanang dumating iyon, yung si Melissa ang kusang maghanap sa iba. Baka isang araw e malaman ko na lang na natarakan na siya ng iba…”
Nangilabot ako sa sina-bi niya.
“Kaya alam mo ba, meron akong guwapu-guwapong drayber nung kai-stroke ko lang. Pinaalis ko. Kasi, sa tindi ng depression ko e kung anu-anong naisip ko. Baka isang araw e itong drayber e kubabawan ng kalibugan at itong asawa ko ay banatan. Siyempre, nararamdaman ng lalaki na baka nauuhaw ang babae di ba? Baka samantalahin.”
“Anong sabi ni Melis- sa nang paalisin mo ang drayber?”
“Wala naman.”
“Pero me tiwala ka naman kay Melissa?”
Bago sumagot e tumungga muna ng beer si Fernando. Nagsalin din ako sa baso. Tinungga ko rin iyon. Nagwawating-wating na ako.
(Itutuloy)