Black Pearl (8)

“IKUHA pa kita ng beer, Frank?”

Nagulat ako sa tanong ni Melissa. Me tama na rin yata ako at nagiging ma­gugulatin na. Nakatayo sa harapan ko si Melissa. Tila siya Diyosa sa pagkaka­tingin ko. Saka naman may tumutol sa isip ko na hu­ wag pagnasaan ang asa­wa ng aking kaibigan. Na­iwaksi ko ang masamang isiping iyon.

“Ha e oo, isa na lang Me­lissa. Medyo me karga na.”

“Mabuti nga ikaw at kahit na marami nang nai­nom e me nakatayo pa. Si Fernando, dalawa o tatlo e giba na.”

“Me sakit na kasi. Nung nasa Riyadh kami at sadiki ang inuupakan, malakas ‘yan. Hindi mapigilan.”

“Ikuha rin ba kita ng pulu­tan. Ipinainit ko ang kare-kare. Baka gusto mo?”

“Ha e sige. Ubos na nga rin kasi ‘tong malagatas na mangga.”

“Sandali lang Frank…
Tumalikod na si Melissa. Sinundan ko ng tingin ang umiindayog na katawan. Siguro’y mga 5’2 si Melissa. Malantik ang baywang. Hindi pa kasi nanganganak. Sayang naman at bakit hindi naasembolan ni Fernando. Inabot pa ng pagkakasakit. Kawawa naman ang kaibi­gan ko.

Nakita ko ang paglapit ni Melissa. Dala ang isang boteng beer sa kanang ka­may at sa kaliwa ay ang umuusok na kare-kare.

“Baka gusto mo uling ku­main, Frank. Sandukan kita.”

“Wag na Melissa at ba-ka lalong lumaki ang tiyan ko. Okey na ito. Masarap    na pulutan ang kare-kare.”

Binuksan ko ang beer.

Hindi ko inaasahan na uupo si Melissa sa sopa pero malayo sa akin. Akala ko inaantok na.

“Dito ka nga ba magta­tayo ng business. Frank?”

Narinig siguro niya ang usapan namin ni Fernan-   do kanina.

“A plano palang Melissa. Hindi pa sigurado.”

“Kung ako sa’yo ituloy mo na. Okey naman dito sa Pinamalayan. Matutu-wa rin si Fernando.”

“Pag-uusapan pa naming mabuti.”

“Okey dito. Malay mo dito ka magkaroon ng    asa­wa…”

Napangiti ako. Pagka­ta­pos ay tumungga ako ng beer. Kumutsara ng kare-kare. Nakatingin pala sa akin si Melissa.

(Itutuloy)

Show comments