“PAGAMIT uli ng CR,” sabi ko nang dumaan sa harap ni Melissa.
Tumango lang ito at ngumiti ng tipid. Naalala ko kanina nang yumuko si Melissa at masulya- pan ko ang dalawang bundok na natatakpan ng itim na bra. Hayop ka Frank, pati ang asawa ng kaibigan mo e pinagpapantasyahan mo. Inalis ko sa isipan ang nakitang iyon. Hindi dapat ganoon. Marami na kaming pi-nagsamahan ni Fernando. Kung tutuusin, para ngang kapatid ko na. Sa Riyadh, madalas kaming magtulungan. Kapag hindi ko alam ang trabaho sa department namin, siya ang tinatawag ko. Kaya nang sabihin niyang tatapusin na ang kontrata ay nalungkot ako. Masyado kaming naging malapit sa isa’t isa ni Fernando.
Tinapos ko ang pag-ihi. Nang lumabas ako ay wala na sa kinatatayuan si Melissa. Mabuti naman para wala akong maimadyin.
“Ang dalas mo namang umihi Frank,” sabi ni Fernando.
“Nakakaihi talaga ang beer.”
“E ba’t ako?”
“Sanay ka na siguro kaya kahit gaano karaming beer e hindi maihi.”
Inungkat ko ang tungkol sa pinag-uusapan naming kanina na pagbili ko ng lupa dito sa Pinamalayan. Naisip ko mas maganda nga yata kung magtatanim na lang ako kaysa mag-manage ng junkshop o iba pang negosyo. Baka malugi lang ako. Kung magtatanim, at least may alam ako. Iyon nga lang, kailangan ng sipag at tiyaga.
“Bumili ka na lang ng lupa, Frank at saka taniman ng halamang gamot at prutas. Tutal uso ngayon ang mga herbal products. Ultimong luyang dilaw ngayon ay hinahanap ng mga gumagawa ng gamot.”
“Ang galing mo talaga Fernando. Sige nga pagtatanim na lang ang aatupagin ko.”
“Dito ka na talaga titira sa Pinamalayan. Kalimu-tan mo na ang magulo at polluted na Maynila.”
“Sana suwertehin din akong katulad mo, Fernando.”
“Susuwertehin ka rin. Huwag ka lang magkakasakit na katulad ko. Kawawa talaga kapag nagkasakit Frank. Kawawa pati asawa ko…”
Nakatingin ako kay Fernando. Naaawa ako sa kanya. Alam ko kung bakit siya naaawa kay Melissa.
Ipinagpatuloy ko ang pag-inom. Si Fernando ng sulyapan ko ay nakapikit na. Tulog na yata ang kaibigan ko. Yung iniinom na beer sa bote ay kalahati pa. (Itutuloy)