Laman (62)

MAKALIPAS ang dala­wang araw, muling ti­nawagan ni Ate Lina si Cynth. Ibang cell phone ang kanyang ginamit para hindi siya maiwa-san ni Cynth. Tiyak na nai-save nito ang unang number.

“Hello?”

“Kumusta ka Cynth?”

“Ikaw na naman de­monya ka!”

“Huwag mong iba­baba dahil marami akong sasabihin sa’yo. Baka magsisi ka kapag hindi mo narinig ang mga sa­sabihin ko.”

“Huwag mo akong ta­kutin dahil hindi ako na­tatakot sa iyo!”

“Talaga? Kahit na sa­bihin ko sa’yung malapit    ka nang layasan ng siyota mo?”

Hindi agad nakasagot   si Cynth. Nabigla kung bakit biglang naisingit ang tungkol sa kanyang siyota. Pero dahil matapang at malakas din ang loob, na­gawa ring magtawa ni Cynthia.

“Gaga ka talaga ano? Hindi mo ba alam na ma­lapit na akong ikasal? Hu­wag mo akong takutin at baka ipasalvage na kita. Kayang-kaya kong ipa-trace ang number mo.”

“Hindi na kailangan, Cynth. Sinabi ko lang ang masakit na mangyayari sa’yo. Tandaan mo ang si­nabi ko!”

Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang nag-sara ng cell phone. Ha-ha-ha!

Nagdiwang na agad si Ate Lina. Naimadyin daw niya kung gaano nairita si Cynthia. Sigurado raw na hindi nito malaman ang ga­gawin.

Nang magkita raw na­man sila ni Raffy nadulas ang dila nito at may nasa-bi tungkol sa siyotang si Cynth. Patay-malisya na­man daw si Ate Lina.

“Nahahalata yata ako, Lina.”

“O e di mas maganda. Di ba mas magandang   ma­la­man na niya.”

“Baka masaktan, Lina.”

“Sino ba ang gusto mo, siya o ako?”

Hindi makapagsalita si Raffy.

Meron na agad na-iisip si Ate Lina para hindi na makawala si Raffy.

(Itutuloy)

Show comments