Laman (53)

Nakasaad sa text ng taga-punerarya na wa­lang gaanong tao sa pinagbu­bu­rulan ni Jo­shua. Maaa­ring natutulog dahil sa mag­ damagang puyat. Pu­mun­ta na raw agad si Ate Lina habang wala pa roon ang mga kamag-anak ni Joshua.

Simpleng t-shirt la­mang at pantalong ma­ong ang suot daw ni Ate Lina. Naka-sunglass daw siya. Bahagya niyang bi­nago ang ayos ng buhok. Hindi na raw siya makikilala sa ayos na iyon.

Nang makarating sa second floor ng pune­rarya ay agad niyang hinanap ang silid na kina­buburulan ni Joshua. Hindi naman siya nahirapang hanapin iyon. Kakaunti nga ang mga taong naroon at karamihan pa ay mga bata. Walang inaksa­yang pana­hon si Ate Lina at lumapit sa kabaong ni Jo­shua. Pi­nagmasdan ang na­kahim­lay na kasintahan. Pa­natag ang mukha ni Jo­shua. Ma­husay ang pagka­kameyk-ap kaya natakpan ang dina­ranas na sama ng loob na tinaglay hanggang sa ka­matayan. Si Joshua ang ma­gandang halimba-wa ng karaniwan nang nari­ri­nig na “parang natutulog lang”. Naitago ng meyk-ap ang kinikimkim na sama ng loob ni Joshua. Tahimik na umiyak si Ate Lina. Gusto man niyang humagulgol ay pinigil niya ang sarili. Baka mahalata siya.

Ilang minutong pinag­masdan ni Ate Lina ang muk­ha ni Joshua. Hang­gang sa ipasya na niyang umalis.

“Paalam Joshua,” bu­long niya. Habang nagla­la­kad palayo sa kabaong ay na­ma­malisbis ang luha niya. Nang makalabas sa silid-burulan ay saka siya huma­ gulgol nang todo. Wala na siyang pakialam kung may makakakita man. Wala na siyang kinasisin­dakan.

Nang panatag na ang sarili ay ipinasya nang bu­maba pero nang nasa kala­gitnaan ng hagdan ay nag­balik siya. Nakalimutan niyang basahin sa may pin­tuan ng burulan ni Jo­shua kung kailan ang libing. Nang makarating doon ay inilista ang mga detal­ye, araw at oras ng libing. Ma­tapos isulat ay nag-ma­madaling nanaog.

Habang nasa dyipni ay iniisip na ni Ate Lina kung paano ang gaga­wing dis­karte para maka­dalo sa libing ni Joshua. Iyon ang huling pagka­kataon na ma­kikita niya ang ka­sin­tahan. Kaila­ngang guma­wa siya ng paraan.

(Itutuloy)


Show comments