^

True Confessions

Laman (34)

- Ronnie M. Halos -

“BA’T naman kita ibiben-ta? Para sinabi ko lang naman dito sa siyota mo na si Auntie Rosa ay mas­yadong istrikto. Tanungin mo siya.”

“Alam na ni Lina ‘yan.”

“Owww?”

“Sinabi ko na sa kan­ya, Cynth.”

“Sinabi ko rin sa kanya na ang gustong babae ni Auntie ay mayaman di ba?”

“Hindi naman! Sobra ka namang magkuwento,” sabi ni Joshua.

Biglang napahalakhak si Cynth. Saka tumayo      at dinala sa kusina ang pagkaing kinuha para sa kanya ni Joshua. Naiwang nagkatinginan sina Ate Lina at Joshua.

“Hindi ko malaman ang ugali niyang si Cynthia. Ewan ko ba.”

“Sabi niya talaga raw mahigpit ang mommy mo. Kaya nga kanina e nata­takot ako nang magtungo rito. Mahal lang kita kaya inalis ko ang takot.”

“Alam mo namang ma­higpit si Mommy di ba?”

“Pero mas matindi ang pagkakasabi ni Cynth. Para bang tinakot ako. Kulang   na lang sabihin e huwag    na akong magpakita rito.”

“Huwag mo na ngang isipin ‘yun.”

“Kung di ko alam na pin­san mo si Cynthia, iisipin ko na me gusto siya sa’yo. Pakiramdam ko, nasa ilalim ang landi niya.”

Nagtawa si Joshua.

“Alam mo ang magan-da para hindi ka mainis    kay landita este Cynthia?”

“Ano?”

“Landiin mo ako.”

“Sira.”

Pinilit kalimutan ni Ate Lina ang mga sinabi ni   Cyn­thia.

Minsan isang araw ng Linggo, umagang-umaga ay tinext daw siya ni Jo­shua. May sakit daw si Jo­shua kaya hindi muna ma­tutuloy ang kanilang balak na panonood ng sine. Ta­la­ga raw masamang-masa­ma ang pakiramdam. Ta­ranta raw si Ate Lina. Hindi ma­laman ang gagawin. Ka­wawa naman si Joshua. Hang­gang sa ipasya raw niyang puntahan ito. Bahala na. Kailangan ni Joshua ng tulong. Kahit na kasama nito ang mga pinsan, tiyak na mahihiyang humingi ng tulong. Tinext daw muna niya si Joshua bago nagtu­ngo roon.

“Sige Lina, abangan kita sa may gate,” sagot   ni Joshua sa text.

Nagmamadaling nag-tu­ngo si Ate Lina. Pero nang nasa may gate na raw siya, eksakto namang palabas si Cynth.

“Wala yata si Joshua. Umalis. Sabihin ko na lang na nagpunta ka,” sabi raw nito. Malakas naman ang loob ni Ate Lina.

“Nagkausap na kami. Me sakit siya kaya hindi makaaalis.”

(Itutuloy)

ALAM

ATE LINA

AUNTIE ROSA

CYNTH

JOSHUA

LINA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with