Laman (19)

“MAY kamukha kang artista, Lina,” sabi raw ni Joshua.

“Sino?”

“Si Ruffa Mae Quinto.”

Napangiti raw si Ate Lina, narinig na niya iyon sa isa sa mga lalaking nagnasa sa kanyang ka­tawan. Kahawig daw talaga siya ng artistang si Ruffa Mae. Pati raw ang kutis ay walang ipinag-iba. Pati ganda ng bum­pers ay kuhang-kuha.

“Mabuti di mo naisip mag-artista?”

“Ay ayoko. Wala akong hilig.”

“Ano bang hilig mo?”

‘”Business. Kaya nga Business Admi­nistration ang kinuha ko.”

“Mahilig kang magne­gosyo?”

“Oo.”

Tinapos nila ang pag­kain ng pizza.

“Tayo na, Lina. Me tata­pusin pa akong report.”

Inalalayan siya ni Jo­shua sa pagtayo. Lumabas sila. Madilim na. Lumiban sila sa Recto at nag-abang ng dyip. Nang may dumaan sumakay sila. Nakadikit ang siko ni Joshua sa ta­giliran ni Ate Lina at hina­hayaan naman niya.

“Anong oras ka nagigi­sing, Lina?”

“Mga alas-kuwatro ng umaga. Magluluto at mag­lalaba pa ako. Agawan sa paggamit ng lababo pati sa banyo.”

“Sana dun ka na lang   sa apartment namin na­kaupa.”

“Oy wala akong ibaba­yad sa renta ‘no?”

“Mura lang naman.”

“Naku ha? Kung hindi ko pa alam, mayayaman ang nakatira sa paupahan n’yo.”

“Hindi naman. Marami ring estudyante na taga-sa amin sa Mindoro.”

Sumapit sila sa Legarda. Bumaba sila sa Bustillos. Mula roon nilakad na nila ang Sulucan.

“Bukas puntahan kita    sa department store na pinagtatrababuhan mo, Lina.”

“Bakit?”

“Wala. Basta. Puntahan kita ha?”

“Bahala ka.”

“Text kita.”

“Alam mong number ko?”

“Kukunin ko ngayon.”

Ibinigay ni Ate Lina ang number. Kutob ni Ate Lina, ito na ang simula ng relas­yon nila ni Joshua. At na­tatakot daw siya     sa ma­aaring mangyari kapag nalaman ni Jo­shua ang naging kaha­pon niya. Paano raw niya ipagta­tapat kay Joshua ang lahat o ilihim na la­mang niya iyon. (Itutuloy)


Show comments