Karugtong ng Init(86)

LUMAPIT ako sa bed ni Michelle. Nakapikit siya. Pinagmasdan ko. Hina­napan ko ang mukha ng tanda ng stroke. Wala naman akong makita. Iyon pa rin ang magandang mukha ni Michelle. 

“Mister!”

Nagulat ako sa tawag. Ang doctor pala na tumi­tingin kay Michelle.

“Dok ano pong lagay niya?”

“Sa ngayon wala pa. Kailangang maisailalim siya sa CT scan para ma­laman kung may nagdugo sa kanyang utak. Don’t worry, hindi naman ganoon kagrabe. By the way, ikaw   po ay kapatid ng pasyente?”

“Boyfriend po.”

“Hmmm.”

Iyon lang at muling ti­ningnan ng doktora si Mi­chelle. Nananatiling naka-pikit si Michelle. Umalis ang doktora.

Ako ay nanatiling nasa tabi ni Michelle. Ayaw ko siyang iwan. Gusto ko, pag­mulat niya ay ako ang ma-kita niya. Habang na­kapikit    si Michelle ay napag­mas- dan ko ang maninipis ni­- yang labi. Ako pa lamang ang na­kakahalik sa kanyang mga labi. Kahit na matagal siyang nasa Australia ay hindi siya nakipag-boyfriend sa iba. Ako ang kauna-u­nahan niyang boyfriend. Unfair talaga ako dahil sinak­tan siya. Pero ngayon, ipa­ ki­kita ko sa kan­­yang nagsisisi na ako at ga­gawin ang lahat para muli siyang mapaibig.

Nang muling lumapit ang doktora ay nag-advise na kailangang kumuha na ako ng kuwarto para ma­ dala na roon si Michelle.

Mabilis akong nagtungo sa admitting section ng os­pital. Isang solong kuwarto para kay Michelle ang ki­nuha ko. Naglabas ako ng perang pangdown. Kahit mahal ang kuwarto, wala akong pakialam.

Si Rita ay nabahala.

“Kuya ang mahal ng ku­warto, baka wala kaming ibayad ni Ate?”

“Ako naman ang mag­-ba­bayad. Huwag kang mag-alala. Akong bahala. Gusto ko nasa isang ma­gan­dang silid ang Ate mo.”

Makaraan ang kala­hating oras ay dinala na si Michelle sa kuwartong kinuha ko.

At natupad ang kahili­ngan ko na pagmulat niya ay ako ang makikita.

(Itutuloy)

Show comments