Karugtong ng Init (5)

NANG makatapos kami ng kolehiyo ay sabay din kaming nagkaroon ng tra­baho. Si Michelle ay sa isang five star hotel na­tanggap at ako naman ay researcher sa isang Science magazine. Kapwa nasa Makati ang aming pinapasukan kaya pagla­bas ko sa hapon ay pinu­puntahan ko siya at sabay kaming umuuwi. Kung min­san ay kakain kami sa labas at madalas ay sa sinehan. Pareho kaming mahilig manood ng sine. Sa sinehan kami unang nagkaroon ng “malali­mang kontak” ni Michelle. Pareho pa kami walang alam. Pero habang tuma­ta­gal pala e matututuhan din iyon. Ganoon pala. Kapag nanonood kami ng sine ang pipiliin namin ay yung malayo sa mga kara­mihan. Siyempre, para ma­layang magawa ang gusto. Pero hanggang halikan at hipuan lang kami. Hindi na lumalampas doon. Pero kapag pala madalas na ganoon ang ginagawa ay nakakasawa rin at hahana­pin ang mas exciting pa roon. Kaya napilitan na akong hu­miling kay Michelle. Umu­ungot. Nagma­maka­awa. Sasabihin naman niya, na maghintay akong makasal kami. Ibibigay lang daw niya kapag nakasal na kami.

Pero siguro e hindi na rin makatiis ang mahal ko kaya pumayag na rin. No­on ngang gabi ng birthday ko, ipinagkaloob ang “h­iyas” na matagal ko nang mini­ mit­hi. At happy ako. Lalo ko siyang minahal. My only love.

Minsang lumabas kami ni Michelle ay humiling   muli ako.

Tumanggi siya.

Napansin kong ma­tamlay.

‘‘Bakit?’’ tanong ko.

‘‘Me problema.’’

“Ano?”

“Si Tatay me sakit sa puso. Pinaeksamin na­min, delikado ang lagay niya.”

Hindi ako makapag­salita. (Itutuloy)

Show comments