NASA loob na kami ng motel na iyon sa Pasay. Malamig. Malinis. Mabango.
“Ross, natatakot ako,” sabi ni Michelle.
“Ako rin natatakot,” sagot ko. “Pero mas nananaig ang pagmamahal ko. At saka ayaw kong maagaw ka pa sa akin kaya gusto ko nang mang yari ito.”
“Bakit mo nasabi ‘yon.”
“Kala mo hindi ko alam na malakas ang tama sa’yo nung kasamahan mo sa trabaho.”
Nagtawa si Michelle. Ako ay naupo sa gilid ng kama. Malambot. Nayugyog.
“Sinong kasamahan?”
“Yung me bigote. Nung sinundo kita noong isang araw nakapagkit ang tingin sa’yo. Kala yata hindi ko nakita.”
Nagtawa si Michelle.
“Kaya kahit na natatakot ako, dinala na kita rito. Anuman ang mangyari, meron na tayong nagawa.”
“Ay segurista. Paano kung hindi tayo ang mag-katuluyan tapos “naano” mo na ako?”
“Ako sigurado na ako na ikaw ang mapapangasawa ko Michelle. Talagang ikaw lang. Kita mo naman kahit na maraming nagkagusto sa akin noong nasa college tayo, wala akong pinansin kahit isa. Ikaw lang talaga.”
“Ay ang yabang naman. Kung hindi ko pa alam ako lang ang babaing nagkagusto sa’yo…”
“Hindi yata. Marami kayo.”
“Yabang.”
“Mayabang pala ha?”
Kumilos ako. Bigla kong hinipo ang legs ni Michelle. Napapitlag. Hinipo ko ang hita. Napaatras. Sa totoo lang, maganda si Michelle. Hanggang balikat ang kanyang maitim at makintab na buhok. Makinis ang maputing kutis. Pinakamagandang asset ang mayayabang at nakatindig na boobs. Naihahalintulad ko siya kay Ara Mina. Yun bang tinatawag na voluptous.
Hindi na ako nakapagpigil at niyakap na si Michelle. Naghalikan kami. Dati na kaming naghahalikan kapag nasa sinehan at kapag napag-iisa kami sa bahay pero hindi gaanong masarap hindi katulad ngayon na parang gigil na gigil akong simulan na ang lahat.
Gumagapang na ang init sa aking katawan sa ginagawa naming iyon ni Michelle at alam ko, maski siya ay nilukuban na rin nang kakaibang init. Alam ko dahil matagal na rin kaming magnobya ni Mi-chelle. Kilala ko na siya at kilala na rin niya ako.
Nahubad ko ang blouse ni Michelle. Natira ang bra. Pero saglit lang at agad ding tinanggal iyon. Lumuwa na ang iniingatang asset. Cute na cute, Matagal kong pinagmasdan saka hinawakan. Nilasahan.
Hanggang sa wala na kaming parehong saplot sa katawan. Walang pagtutol na narinig ako kay Michelle nang magkatabi na kami sa malambot na kama. Kasi nga’y mahal na mahal niya ako. Alam namin na kami nang dalawa ang magka-katuluyan. Sigurado na kami.
Lahat nang una ay sa akin natikman ni Michelle. At ako man ay ganundin. Siya ang unang babae sa akin. Kaya nga mahal na mahal ko siya. Sa modernong panahon ngayon, na sabi nila ay hindi na uso ang birhen, kay Michelle ko nakitang uso pa pala iyon.
Nang mga sandaling iyon hindi ko naisip na maaaring mabuntis si Michelle. E ano kung mabuntis? Handa naman ako. Pananagutan ko. Siya naman talaga ang only love ko.
Nang pauwi na kami, habang nasa taksi ay nakayakap sa akin si Michelle. Para yatang ayaw na akong bitawan.
(Itutuloy)