^

True Confessions

Ang Kasalanan namin ni Luningning (58)

- Ronnie M. Halos -

“ANG saya-saya ng kasal namin, Gina,” sabi ni Lu­ningning nang tumawag.

“Okey ka ba naman   sa mga in-laws mo, Lu­ningning?”

“Oo naman,” sagot ni Luningning. “Mababait sila. Tanggap na tanggap nga ako.”

“’Tingin ko sa biyenan mong babae e hindi siya warm na tao.”

“Naku hindi! Okey siya, Gina. Mabait siya.”

“E siyanga pala, saan kayo nakatira ni Francis?”

“Siyempre dito pa rin sa kanilang bahay pero next month lilipat na kami sa ibang bahay.”

“Saan ba ang work ni Francis?”

“Sa company na guma­gawa ng juice.”

“Ikaw magtatrabaho ka ba?”

“Siyempre naman. Paa­no ako makakapagpadala ng pera kay Joepe kung wala akong trabaho. Kahit na nga anong trabaho pa­pasukan ko basta kumita lang.”

“Baka naman kung ma­pa­ano ka diyan. At saka baka mahalata ka pag nag­padala ka ng pera. Baka ita­nong kung bakit ka nagpa­padala?”

“Madali na iyon. Sasa­bihin ko para sa’yo.”

“Kasi’y hindi mo pinag­tapat na single mother ka. Kung ipinagtapat mo ‘yon e di sana wala kang itatago ngayon.”

“Ay naku sinisisi mo na naman ako, Gina. Kaya nga kung minsan ayaw ko nang tumawag. Paulit-ulit ang mga sinasabi mo.”

“O siya sige hindi na. Gusto mo bang marinig ang boses ni Joepe?”

“Hindi na. Sige na. Mala­ki na ang babayaran sa bill.”

Natapos ang pag-uusap ng magkapatid. Si Gina ay naiwan na namang nag-iisip. Mas matindi ang pag-aalala sa kalagayan ni Luningning.

“Mas panatag pa ang loob ko noong nasa Riyadh siya,” sabi niya sa akin. Na­kadama na ako ng pagka-irita.

“Alam mo baka ikaw ang may deperensiya dahil sa labis mong pag-aalala. Pawang negative ‘yang naiisip mo kay Lu­ningning. Ikaw ang guma­gawa ng multo. Sinabi naman ni Luningning na huwag kang mag-alala.”

Umiyak si Gina. Nag­ta­taka ako sa mga kini­kilos niya. Anong nangya­yari sa asawa ko. Bakit siya ang apektado?

(Itutuloy)

ALAM

GINA

IKAW

JOEPE

LUNINGNING

SHY

SI GINA

SIYEMPRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with