^

True Confessions

Ang kasalanan namin ni Luningning (56)

- Ronnie M. Halos -

MAKARAAN ang ilang araw ay tumawag si Lu­ningning. Excited si Gina.

“Kumusta ang flight mo?” tanong ni Gina.

“Okey naman. Nasa airport na si Francis at nag-aabang kaya hindi ako nahirapan.”

“O e kailan ang kasal?”

“Sa isang linggo na. Nakahanda na nga ang lahat.”

“Mabuti naman at nakatawag ka agad.”

“Oo. Si Francis ang nagsabing tumawag agad ako.”

“Mabait naman pala si Bayaw e,” sabi ni Gina na nagtawa.

“Oo naman.”

“Gusto mong ­kausapin si Joepe?”

“Huwag na Gina at baka…”

“Baka ano?”

“Baka magtaka pa si Francis.”

“Na anak mo si Joepe?”

“Sinabi rin pala sa’yo ni Rico.”

“Bakit ba pinagkaila mo na single mother ka?”

“Hindi ko alam. Sige na at nakakahiya kay Francis. Wala akong ibabayad sa phone bill.”

“Paano tayo magkaka­ku­wen­tuhan kung ganyang limitado ang ating usapan.”

“Bahala na Gina. Basta kayo na ang bahala kay Joepe, bye!”

Naputol na ang usapan ng dalawa.

Napabuntunghininga si Gina matapos ang usapan. Marami pang gustong ita­nong si Gina pero nagma­madali si Luningning. Naka­kahiya raw kay Francis at baka malaki na ang bill.

“Ni hindi man lang niya narinig ang boses ng anak. Akala ko pa naman ang unang itatanong e ang anak. Yun pala ay natatakot na marinig ni Francis at baka siya mabuking. Mas­yadong kakaiba ang dis­karte sa buhay ni Lu­ningning…”

Noon ako nagkalakas ng loob na magsalita.

“Hayaan mo na kung ano ang diskarte ni Luningning at buhay niya iyon. Isa pa hindi na siya bata.”

“Me kutob kasi akong ka­kaiba. Parang me hindi ma­gandang mangyayari kay Luningning sa piling ni Francis.”

Ako naman ang napa­bun­­tunghininga. Wala akong masabi sa nang­yayari.

Ipinasya kong lapitan si Joepe na naglalaro sa salas.

Pinagmasdan ko ang aking anak. Habang lu­ma­­laki ay lalo siyang nagi­ging hawig sa akin.

Tinawag ko si Joepe. Lumingon agad nang ma­rinig ang pangalan. Ngumiti. Lalong naging kyut. Sana nga ay hindi na siya kunin ni Luning­ning. Baka hindi ko kaya­nin kapag nawala si Joepe sa akin.

(Itutuloy)

FRANCIS

GINA

JOEPE

LUNINGNING

OO

SHY

SI FRANCIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with