^

True Confessions

Ang kasalanan namin ni Luningning (51)

- Ronnie M. Halos -

“GANOON ba talaga, Lu­ningning, doon kayo mag­papakasal?”

“Oo naman. Bakit ba parang duda ka sa boyfriend ko, Gina?”

“Hindi naman sa duda kaya lang di ba dapat dito kayo magpakasal tapos saka asikasuhin ang pa­peles mo.”

“Iyon ang gusto ni Fran­cis. Nagkasundo na kami. Okey na ang lahat.”

Parang tense si Lu-ning­ning. Ayaw yatang ma­pin­tasan ang boyfriend.

“M-mabait ba naman ang Francis na ‘yan, Lu­ningning?”

“Ano ba naman ang tanong na ‘yan, Gina. Si­yempre pipili ba naman    ako ng hindi mabait.”

“Kasi’y sabi mo e sa e-mail at pakiki-pag-chat   lang kayo nagsimula.”

“Hoy, madalas niya akong tawagan sa phone. Ay naku, talagang mahal na mahal niya ako. Sabik na sabik daw siyang makita ako.”

“Ano namang itsura?”

“Guwapo nga.”

“Taga-saan sila rito sa Pilipinas?”

“Sa Iloilo. Matagal na silang nasa Brisbane. La-hat sila naroon na. Mahigit na raw silang 20 years doon.”

“Anong trabaho ni Fran­cis?”

“Sa casino raw siya.”

“Aba e ’di maraming pera,” nagtatawang sabi ni Gina.

“Ano pa?” “Kailan ang balak n’yong magpakasal, Luningning?”

“Sa lalong madaling panahon daw. Pinagre-resign na nga ako rito.”

“E paano kung niloloko ka lang?”

Nagtawa si Luningning.

“Ate para kang tanga kung magtanong. Anong akala mo sa akin, bata?”

“E kasi mayroon ka nang masamang karanasan. Ni­loko ka na kasi ng lalaki at ayaw ko na sanang mang­yari uli sa’yo yon.”

“Ay naku, pinaalala mo na naman yun. Nalilimutan ko na nga e ni-remind mo uli…”

“E sa hindi ko malimutan e. Naaawa kasi ako sa’yo.”

“Tapos na ‘yun. Huwag mo nang itatanong uli sa akin ‘yon.”

“E teka hindi mo pa sina­sagot ang tanong ko kani­na. Paano si Joepe?”

“Ikaw na muna ang bahala sa kanya Gina. Hindi ko alam kung mada­ dala ko siya sa Brisbane.”

“Bakit?”

“Siyempre, itatanong ko pa kay Francis.”

“O e kung ayaw ng boyfriend mo e di dito na lang siya. Mahal na mahal namin si Joepe. Maski si Rico e mahal na mahal ang bata. Parang anak na nga ang turing niya.”

Walang masabi si Lu­ningning sa pagkakata­ong iyon. (Itutuloy)

ANO

ANONG

BAKIT

FRAN

GINA

JOEPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with