Ang kasalanan namin ni Luningning (16)
NAABOT namin pareho ang hinahangad. Naroon pa rin ang init na hatid ng alak pero hindi katulad kanina na parang nasa kalapit lang namin ang apoy. Makapal pa at namamanhid ang aking pisngi at may init sa punong taynga. Ang espiritu ng sadiki ay nakalukob pa at tila matagal pa bago mawala.
Sa pagkakatunghay ko kay Luningning, nakikita ko ang isang babaing natalo sa laban. Walang ibang nagapi sa labanan kundi siya. Ngayon ay nakikita ko siyang tahimik na tahimik pero wala naman akong nakikitang pagsisisi. Aywan ko, pero gayon ang aking nakikita. Isang panghuhula na naman ang nananaig sa akin. Hindi ko alam kung gaano ang li gayang natamo sa pagkatikim ng unang sugat.
Binawi ko ang pagkakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang aking sasa bihin. Basta ang alam ko, naganap na ang aming kasalanan. Sariwa pa ang sugat na nalikha at iyon ay hindi na maibabalik sa dating anyo.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Madaling makatulog ang isang pagod at may espiritu ng sadiki.
Masarap ang tulog sapagkat nang magmulat ako ng mga mata ay may nakita akong silay ng liwanag na alam kong sikat ng araw. Hindi ko alam kung paano naglagos. Ang isang alam ko, wala na ang espiritu ng sadiki sa aking katauhan.
Napabalikwas ako. Sa bado ng umaga at simula ng aming trabaho. Magtutungo ako sa comfort room subalit may tao roon. Si Luningning sigurado.
Maya-maya, lumabas na. Hindi ako makatingin sa kanya. Siya naman ay na katungo. Walang nagbukas ng bibig. Parang mga pipi. Pumasok ako sa loob. Ibinuhos ko roon ang sama ng loob. Itinodo ko ang pag-flush sa inidoro.
Nang lumabas, nagma madali akong nagbihis. Alas-sais na. Kailangang makarating ako sa aming housing bago mag-alas siyete para makaabot sa service van.
Wala pa rin kaming imikan ni Luningning. Tila nga nawalan kami ng dila pareho. Sa pagkawala ng espiritu ng sadiki ay ang kadunguan sa isa’t isa ang namayani.
Pero kailangan kong magpaalam kay Luningning.
“Alis na ako.”
“Magkape ka muna,”
“Huwag na.”
Iyon lang at nagmama dali akong lumabas sa pinto. Sa halip na mag-elevator naghagdan ako. Nakalabas ako sa building. Isang taxi ang nakita ko. Habang naglalakbay ang taxi, gusto kong pagalitan ang sarili ko. Hindi dapat nangyari iyon sa amin ni Luningning. Hindi dapat!
(Itutuloy)
- Latest
- Trending