Ang kasalanan namin ni Luningning (14)
“HOY Rico loko ka ha baka kung anong mangyari sa akin…”
“Ano namang mangyayari e sadiki lang naman ’to at hindi lason.”
“Ibig kong sabihin baka ano?”
“Ano nga?”
Nagtawa si Luningning.
“Wala!”
Ako naman ang nagtawa. Pakiramdam ko ang sarap magtawa. Para kasing namamanhid ang pisngi ko tapos at tila pa umiikot ang paligid. Lasing na nga ba talaga ako. Gusto ko e tatawa nang tatawa. Ano ba itong nangyayari sa akin. Ano naman kaya ang iniisip ni Luningning na mangyayari.
“Sige na nga inumin ko na ito. Kulit mo kasi Rico!”
“Iyan ang gusto ko sa’yo Hipag. O sabay tayo ha?”
Itinaas namin ang mga baso. Sabay uminom. Inubos ko sa isang tungga. Ganon pala kapag may tama na, balewala na ang mga kasunod na tungga. Ha-ha-ha.
“Ampait talaga Rico, di ko kaya,” sabi ni Luningning at ibinaba ang baso na may kaunting natira.
“Huwag mong puwersahin, Hipag. Sige uminom ka ng 7-Up.”
Uminom si Luningning.
“Naubos ko na ang 7-Up, Rico. Wala ka nang iinumin.”
“Okey lang hipag.”
Tumitig sa akin si Luningning. Nagkatitigan kami. Nginitian ko. Tipid na ngiti ang iginanti. Namumula na ang pisngi niya. Siguro ako rin.
Maganda pala ang lips ni Luningning. Maganda rin ang ilong. Ha-ha-ha! Ganito pala kapag lasing. Noon kapag nalalasing ako, tulog na kaya wala akong mga napapansing kakaiba.
“Kapag inalis mo ang salamin mo Hipag nakakakita ka?”
“Siyempre naman.”
“Alisin mo ngah.”
Inalis.
“Uh!”
“Ay ang ganda mo pala. Bumagay lalo ang gupit mo.”
“Lasing ka na talaga, Rico.”
“Hindi pa ako lashing uy.”
“E kasi binobola mo na ako.”
Lumapit ako kay Luningning.
“Hindi kita binobola.”
Hindi siya tuminag kahit na lumapit na ako at dumait sa kanya.
Mainit na ang pakiramdam ko. Ano ba ito?
“Rico pilyo ka ha?”
Nakaakbay na pala ako kay Luningning.
“Rico…”
Hinahalikan ko na pala ang leeg niya.
“Rico…”
Ang kanang kamay ko ay nakapasok na sa t-shirt ni Luningning.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending