Ang kasalanan namin ni Luningning (13)
“MAGTATAKSI na-man ako Luningning. Wala naman sigurong motawa ngayon kasih e Biyernes,” sabi kong tila nabubulol na dahil sa epekto ng sadiki. Ano ba itong nangyayari sa akin at parang umiikot na ang paligid.
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Rico. Pati ako ipapahamak mo kapag lumabas ka.”
“Ay si Hipag naman at parang takot na takot. Ano bah Hipag?”
“Rico lasing ka na eh.”
“Wala naman kasing motawa ngayon dahil Biyernes. Siyempre nagpapahinga rin ang mga iyon.”
“Ay ang kulit mo naman. Kapag nahuli ka ng motawa, akala mo ba kung anong parusa?”
“Hindi nga ako mahuhulih eh.”
“Pati ako madadamay. Tatanungin ka ng motawa kung saan galing ang sadiki. Kapag hindi mo sinabi, papaluin ka nang papaluin hanggang sa tumuga ka. Pati ako ikakanta mo. At pag ako e hinuli rito, siyempre sasabihin ko kung saan galing… hanggang sa matunton kung sino ang may distillery dito.”
Napahagakgak ako sa sinabi ni Luning- ning na distillery. Etong hipag ko talaga e matatakutin.
“Kapag nahuli ako, Hipag hindi kita ikakanta. Kahit patayin pa akoh. Ipapahamak ba naman kitah. ‘Yang gandah mong yan!”
“Rico lasing ka na ha?”
“Hindi pah. Kaya ko pa ngang umuwi eh.”
“Ang kulit mo naman!”
Parang nagdabog si Luningning. Nahimasmasan ako.
“Sige na ngah dito na lang ako matulog. Kaya lang baka dumating ang kakuwarto mo e magalit na sa kama niya ako nakahiga.”
“Hindi nga uuwi iyon.”
Napansin ko na parang hindi tinamaan si Luningning.
“Hipag para hindi ka tinablan. Nakadalawang shot ka na di ba?”
Nagtawa si Luningning. Maharot.
“E paano, marami akong nainom na 7-Up.”
“Ay ang daya mo naman pala, hipag…”
Nagsalin ako sa baso niya. Mababang kalahati. Nagsalin din ako sa baso ko.
“O hipag sabay tayoh,” sabay taas ko sa baso.
“Ay Rico ha, baka malasing ako. Baka magsuka ako.”
“Si hipag naman. Sige na sabay tayo.”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending