Ninong (113)

DUDA ako kung bakit bigla-bigla ay makiki­pagkita sa akin si Jigo. Kinabahan ako. Baka nalaman na niya ang lihim na nagka­roon kami ng relasyon ni Diana. At ngayon niya ako balak ganti­han. Posible iyon. Wa­la akong kalaban-la­ban sa kanya. Ngayon pang bistado ko na siya ang “utak” sa pag­patay sa asawa. Maa­ari niyang maga­wa sa akin ang gusto niya.   At malay ko ba kung naghihintay la­mang siya ng magan­dang pagkakataon para ako mapaghigantihan?

Hindi ako sisipot sa usapan. Ayaw kong umuwing “nakakahon” sa Pilipinas at iniiya­kan nina Delia at dala­wa kong anak. Maaari pa naman akong umi­was sa disgrasya. Ma­rami pa kaming pa­ngarap ni Delia at ayaw kong masira ang mga iyon. Ngayon pa, nag­ba­go na ako.

Paglabas ng opisi­na, sa halip na magtu­ngo sa Batha ay umuwi ako at nagkulong sa aking kuwarto sa Sit­teen. Bahala na kung ano ang idadahilan ko kay Jigo sakali at tuma­wag siya. Tama! Idada­hilan kong masakit ang aking tiyan at nagtatae ako. May nakain akong nakasira ng tiyan. Aar­tehan ko nang todo.

Kapag nagpumilit na sa sunod na araw kami magkita ay iisip muli ako ng paraan para hindi kami mag­kita. Hanggang sa ma­kauwi ako ng Pilipinas. Hindi ko rin sasabihin sa kanya na pauwi na ako. Para ano pa? Ayaw ko nang magkaroon ng komunikasyon sa kan­ya. Basta sarado na ang lahat sa amin.

Dakong alas-nuwe­be ay tumawag sa cell ko si Jigo.

“Ninong, kanina pa ako naghihintay dito, na­san ka na?” Pre­pa­ra­do na ako.

“Biglang sumakit ang tiyan ko, Jigo. Pa­tungo na nga sana ako riyan, kaso biglang su­makit at nagtae ako.”

“Ganun ba Ninong? Sayang kala ko pa na­man ngayon na tayo magkikita. Importante pa naman ang sasabi­hin ko at meron din ako ibibigay.”

“Ha a e, k-kuwan pag­hindi na masakit ang ti­yan ko saka tayo mag­kita.”

“Bukas, Ninong pu­wede ka?”

“Tawagan na lang kita, Jigo.”

“Teka ako na lang ang tatawag Ninong at baka magastusan ka pa. Isa pa alam kong busy ka rin.”

“Sige. Sorry Jigo ha, Ang sakit talaga   ng tiyan ko.”

Natapos ang pag-uusap namin. Bukas kapag tumawag siya, magdadahilan ako. O kaya’y hindi ko sasa­gutin ang tawag.

Palagay ko nga, may balak siya sa akin. Pero ano kaya ang ibi­bi­gay? O paraan lang niya iyon para ako ma­pilitang dumating? Hindi niya ako mala­ lansi.

(Itutuloy)

Show comments