^

True Confessions

Ninong (ika-105 na labas)

- Ronnie M. Halos -

MAHIGPIT ang paa­ laman namin ni Delia ganundin ang dalawa kong anak nang pa­-alis na ako patungong Riyadh. Matibay ang pangako ko sa kanila. Sabi ko, kapag naka­ipon nang ipangtatayo nang isang malaki- laking karinderya ay titigil na ako sa pagsa-Saudi. Para sa kanila kaya ako muling la­layo pero mas matindi na ang pangako na hindi na maliliko nang lan­das. Nakita ko ang nag­babantang pag­tulo ng luha ni Delia pero na­agapan ng pa­nganay kong anak.

Nang dumating ako sa Riyadh ay marami nang pagbabago. Sa maikling panahon na wala ako roon ay naiba na ang aming tirahan. Hindi na sa 4-star hotel kundi sa mga villa na nasa isang compound. Wala na rin ang mga dati kong kasama sa trabaho. Pawang bago na at mga naroon. Pati ang mga namamahala sa housing ay mga bago na rin. Siguro’y naapek­ tuhan ng Saudization kaya marami sa mga kasamahan ko ang tina­pos na ang contract. Malakas nga lamang ako sa aking boss na Saudi kaya na-hire uli ako. Kung tutuusin, over-age na ako kaya impo­ sible nang ma-hire uli.

Ang dati ko pa ring trabaho ang hinawakan ko. Sabi ng boss kong Saudi, nang umalis daw ako noon e nagkagulo-gulo ang mga record sa department niya. Isang Indian daw ang pumalit sa akin at hindi raw siya nahuhusayan. Kaya raw nang sumulat ako sa kanya at nakiusap, agad siyang nagdesis­yon na kunin uli ako. Ini­ lipat naman ang Indian sa ibang department.

“Muskila Ramon?” tanong ng boss ko min­san habang ako ay nag-iisip sa harap ng computer. “Homesick?” sabi pang nagtatawa.

“Mafi muskila, Ab-du­laziz.”

Ang totoo’y naiisip   ko ang aking mag-iina. Home­­sick nga talaga ako. Ngayon ko lamang nadama ang tunay na pangungulila sa aking mag-iina.

Pero dahil sa matindi ang aking pangarap na makapag-ipon para may maipuhunan sa karin­ derya na balak namin ni Delia, napag­tiisan ko ang kalung­kutan. Ma­dalas kong tinata­wa­gan si Delia at ang da­lawa kong anak. Lagi kong ki­nuku­mus­ta ang kanilang kala­ga­yan.

Mahigit isang taon na ako rito sa Riyadh nang makita sa Batha ang lalaking may ma­laking kaugnayan sa aking buhay. Si Jigo!

(Itutuloy)

AKO

DELIA

ISANG INDIAN

KONG

MUSKILA RAMON

NANG

RIYADH

SABI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with