“SAAN po tayo, Sir?” tanong ng taxi driver nang nakaupo na ako sa hulihan.
“Sa Dimasalang.”
Pinasibad nito ang taxi. Dineretso namin ang Bustillos hanggang sa kumaliwa at dume retso muli. Ang nilabasan namin ay ang kalsadang tumutumbok sa UST. Hindi ko alam ang mga street na aming dinaanan. At wala rin akong interes na malaman pa. Ang nasa isip ko ng mga sandaling iyon ay si Diana. Sana naman ay nasa apartment siya sa Miguelin para kami magkausap. Baka hindi siya makaalis sa Miguelin dahil nandoon ang kanyang mga biyenan. Sana nga ay ganoon. Ayaw kong isipin na niloko niya ako.
“Dimasalang na po ito Sir,” sabi ng taxi driver na ikinagulat ko. Parang nagkaroon ng improvement sa Dimasalang dahil sementado na ang kalye. Noong una akong magtu ngo rito ay sira-sira ang kalsada.
“Sige doon pa. Yung malapit sa may tulay, sabi ko sa driver. Natatandaan ko pa ang Dimasalang.
Nakarating kami sa tulay.
Ikanan mo diyan ta pos ay kumanan ka uli sa Miguelin. Ginawa iyon ng driver. Nakapasok kami sa makipot na Miguelin.
“Sige usad pa at ituturo ko sa’yo kung saan ka tititigil…”
Usad uli. Dahan-dahan lang ang driver. Pinaalala ko na baka hindi ko makita ang number ng bahay dahil madilim.
“Itigil mo sa tapat na apartment na iyon,” sabi ko.
Ginawa ng drayber. Dumukot ako ng pera sa pitaka.
“Magkano ba ang nasa metro?”
“Isandaan po, Sir.”
Kumuha ako sa pitaka ng P120 at iniabot sa driver. Tuwang-tuwa ang drayber.
Bumaba na ako. Bumaba rin ang drayber at kinuha sa compartment ang aking maleta.
Pagkababa ng maleta ay iniabot ko ang pera.
“Salamat Sir.”
Umalis na ang driver.
May tao sa bahay. Buhay ang ilaw. At bumilis ang tibok ng puso ko. Baka narito nga si Dia-na. Siguro ay hindi makaalis. Baka narito ang mga biyenan.
Kumatok ako sa gate. Maya-maya lamang ay may sumilip sa screen door. Babae.
“Ano po yun?” tanong ng sumilip.
“Nandiyan po ba si Diana?” Hindi sumagot ang babae.
“Si Diana po nandiyan?” Bumukas ang screen door at lumabas ang ba bae na siguro ay maid.
“Ano po ang kailangan?” “Kaibigan ako ni Diana, nandiyan ba siya?” Napamaang ang babae. Tila hindi malaman ang isasagot sa akin. Nakararamdam na ako ng ginaw.
“Wala pong nakati rang Diana rito.”
“Dito siya nakatira. Kaibigan niya ako.”
“Wala nga pong Diana rito. Itatanong ko sa aking Kuya. Saglit lamang po.”
Bumalik sa loob ang babae. At maya-maya ay lumabas kasama ang isang lalaki.
“Diana po ba ang hi nahanap mo?” sabi ng lalaking tinawag ng maid.
“Oo.”
“Sori, wala talagang Diana rito.”
Tila nauupos akong kandila sa mga sanda ling iyon. (Itutuloy)