Ninong (ika-70 na labas)
MAGANDA nga yata ang naisip ni Diana na mag-apply bilang DH dito. Pero naisip ko, alangan sa kanya ang pagiging DH. Maganda siya. Baka kung ano lamang ang gawin ng amo niya.
“Bakit naman ‘yan ang naisip mo Diana?” tanong kong may pagtataka. Naguguluhan ako.
“Wala lang, Ninong. Basta naisip ko ngayon lang.”
“Para kang baliw ah?” sabi ko.
“Baka nga dahil kulang na kulang na sa sex.”
“Ano?”
“Kulang sa sex!”
Lalo akong nag-ulol sa pananabik sa babaing ito. Tila tinatakaw na naman ako at nagwawala na naman ako. Gusto kong matikman na ang kariktan ni Diana.
“Huwag mo naman akong takawin Diana at baka bukas na bukas e umuwi ako riyan!”
Nagtawa si Diana. Mas maharot. Mas nakatutukso.
“Anung-ano ka na Ninong?”
“Ano pa? Matagal na!”
“Baka mabaliw ka diyan kapag hindi mo pa nailabas ‘yan.”
“Kasalanan mo. Tinatakaw mo ako.”
Lalo pang nagtawa si Diana.
“Balutin mo na lang ‘yan na parang lumpia, Ninong, ha-ha-ha!”
“Pilya ka talaga Diana!”
“Ano gusto mo bang mag-aplay ako diyan para magkasama tayo?”
“Delikado nga dahil masyado kang magandang DH.”
“Baka gahasain ako ng amo ko?”
“Oo. Marami nang kaso ng panggagahasa rito. Yung ibang Pinay DH na ginahasa e bumibigay ang isip. Hindi nila kaya ang pasakit.”
“Siguro e suwertehan din, Ninong. Sige na subukan kong mag-apply. Padalhan mo lang ako ng pamplacement fee.”
“Huwag na. Ang in-tindihin mo na lang diyan e ang business mo. Mas okey ‘yan kaysa naman dito ka matuhog ng amo mo.”
“Pero kung nandiyan na ako Ninong, malaki ba ang posibilidad na magkasama tayo sa isang bahay? Ibig kong sabihin, puwedeng tumira sa labas?”
“Hindi puwede dahil DH ka. Stay-in ang DH. Yung iba nga walang labasan at hindi na masikatan ng araw.”
Sa sinabi ko e tila nag-isip si Diana. Natakot yata. (Itutuloy)
- Latest
- Trending