^

True Confessions

Ninong (ika-70 na labas)

- Ronnie M. Halos -

MAGANDA nga yata ang naisip ni Diana na mag-apply bilang DH dito. Pero naisip ko, alangan sa kanya ang pagiging DH. Ma­gan­da siya. Baka kung ano lamang ang gawin ng amo niya.

“Bakit naman ‘yan ang naisip mo Diana?” tanong kong may pag­tataka. Nagugu­luhan ako.

“Wala lang, Ninong. Basta naisip ko nga­yon lang.”

“Para kang baliw ah?” sabi ko.

“Baka nga dahil kulang na kulang na sa sex.”

“Ano?”

“Kulang sa sex!”

Lalo akong nag-ulol sa pananabik sa ba­baing ito. Tila tinata­kaw na naman ako at nag­wa­wala na naman ako. Gusto kong matik­man na ang kariktan ni Diana.

“Huwag mo naman akong takawin Diana at baka bukas na bukas e umuwi ako riyan!”

Nagtawa si Diana. Mas maharot. Mas na­ka­tutukso.

“Anung-ano ka na Ni­nong?”

“Ano pa? Matagal na!”

“Baka mabaliw ka diyan kapag hindi mo pa nailabas ‘yan.”

“Kasalanan mo. Ti­natakaw mo ako.”

Lalo pang nagtawa si Diana.

“Balutin mo na lang ‘yan na parang lumpia, Ninong, ha-ha-ha!”

“Pilya ka talaga Dia­na!”

“Ano gusto mo bang mag-aplay ako diyan para magkasama tayo?”

“Delikado nga dahil masyado kang magan­dang DH.”

“Baka gahasain ako ng amo ko?”

“Oo. Marami nang kaso ng panggagahasa rito. Yung ibang Pinay DH na ginahasa e bumi­bigay ang isip. Hindi nila kaya ang pasakit.”

“Siguro e suwerte­han din, Ninong. Sige na subukan kong mag-apply. Padalhan mo lang ako ng pamplace­ment fee.”

“Huwag na. Ang in-tin­dihin mo na lang diyan e ang business mo. Mas okey ‘yan kaysa na­man dito ka matu­hog ng amo mo.”

“Pero kung nan­diyan na ako Ninong, malaki ba ang posibi­lidad na magkasama tayo sa isang bahay? Ibig kong sabihin, pu­wedeng tu­mira sa labas?”

“Hindi puwede dahil DH ka. Stay-in ang DH. Yung iba nga wa­lang labasan at hindi na ma­sikatan ng araw.”

Sa sinabi ko e tila nag-isip si Diana. Na­ta­kot yata. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANO

ANUNG

HUWAG

NINONG

PERO

SHY

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with