Ninong (ika-66 na labas)

NAKAUTANG ako ng pera pero kailangang maibalik ko iyon pag­dating ng suweldo. Hindi na raw kasi   nag­papautang ang kasa­mahan kong si Magi dahil nakarma na raw siya. Masama raw ang “five-six”. Ipi­nahiram na lamang sa akin ang pera niya pero huwag ko raw kalimutang iba­lik dahil ipadadala raw ito sa pamilya.

“Sige Magi. Iba­ba­lik ko sa suweldo. Ka­ilangang-kailangan ko lang.”

Nang araw ding   iyon ay ipinadala ko sa banko sa Batha ang pera. Hindi maaaring hindi ako magpadala dahil baka mabuking ako ni Delia. Mabuti nga at hindi ako nabuko nang masabi ko ang pangalang “Diana”. Ma­ husay lang akong lu­mansi. Para hindi mag­hinala, kailangang ipa­dala ang hinihingi — sukdulang umutang. Bahala nang mam­ro­blema sa pagbabayad.

Nailibing na raw si Jigo, sabi ni Diana nang tumawag ako ng Ling-go ng tanghali. Na­pansin ko sa boses niya na malungkot.

“O ba’t malungkot ka?” tanong ko.

“Nag-iisa na kasi ako ngayon dito. Ma­lungkot at wala akong makausap.”

“O di ba kausap mo ako?”

“Ibig kong sabihin yung pirmihan kong makakasama.”

“Gusto mo umuwi na ako at magsama     na tayo?”

“Gusto ko sana pero hindi pa puwede. Di ba usapan natin e isang taon — pagkababang-luksa.”

“E kung wala ka na­mang makausap diyan e di kawawa ka naman.”

“Makakapagtiis pa naman ako. Basta lagi mo lang akong tawa-gan at padalhan ng pera…”

“Oo. Ganun nga ang gagawin ko.”

“Malaki ang nagas­tos sa pagpapalibing. Mabuti me pera si Jigo na naiwan. Iyon ang ginamit ko. Problema ko ngayon ay ang sarili ko. Parang ayaw ko nang magtrabaho.”

“E di magresign ka na.”

“Kaya mo akong sustentuhan?”

“Oo naman. Malaki ang suweldo ko di ba?”

“Padalhan mo kaya ako Ninong nang ma­laki-laki para maibanko ko. Maganda ang may savings para pagda­ting mo, marami ta­yong ipon…”

Nag-isip ako. Oo nga. Kung may ipon marami kaming ma­dudukot.

“Ano Ninong, pa­dalhan mo ako?”

Hindi na ako nag-isip pa. Bahala na.

“Oo. Padadalhan kita, Diana.”

(Itutuloy)

Show comments